Ugaliing maghugas ng kamay

Nasa title na ang isu-sulat ko ngayon sa article na ito.
Alam ko, Bagong taon ngayon kaya malamang busy ka.

Pero kung wala ka namang ginagawa sa buhay mo at tinatamad ka na maglike ng maglike sa FB, Eh nararapat lang na basahin mo muna to.

Kung di mo gusto sinu-sulat ko at mala-like ka lang din para sikat o kaya plina-plastik mo ko, marapat lang din na i-close mo na'to, i-shut down ang computer mo sabay takbo palabas habang sumisigaw na "Gago Ako!".

Ano simulan na natin 'to? 
Tara, Game!

-------

Tulad nga ng sinabi ko kanina, nasa title na ang isusulat ko dito. Pero kung slow ka at hirap ka umintindi, eh problema mo na yun.

"Pamet recommended Safeguard! Avoids the spread of diseases because it kills 99.9% of germs. Kaya ugaliing maghugas ng kamay para makaiwas sa sakit"

Okay na sana yang commercial na yan sa T.V, paniwala na sana ako kaso may konting butas yang commercial nila.

Kunwari, naglalaro kayo ng mga kaibigan mo ng Tumbang-Preso sa putikan habang umuulan. Eh di syempre mapuputikan ka, madudungisan ka at minsan hahampas pa ang mukha mo sa lupa. Bigla kayong tatawagin ng nanay niyo upang MAGHUGAS NG KAMAY sabay tanggal na ang 99.9% ng germs......... SA KAMAY MO.

Isipin mo, malinis ang kamay mo na para kang gumamit ng Perla na detergent dahil sa mala-perlas mong mga kamay pero katawan mo mukhang Taong-Grasa, na naliligo lang ata tuwing birthday mo.

Hindi prino-promote sa commercial na ito ang maligo. Sinasabi lang nila na mgahugas ka lang ng kamay kahit amoy-basura ka na at kulay negro pa basta MAGHUGAS KA LANG! okay na.

Pero kung di ka naman pala-labas ng bahay eh okay lang siguro yun, magpalit ka na lang ng damit. Pero katulad ng nabasa ko sa MgaEpal.com may paraan para malamn kung kailangan mo ng maligo.

Una, sabuyan mo ang sarili mo ng Baby Powder yung para kang ibe-bake sa loob ng pugon yung para kang Espasol. Tapos, tumapat ka sa Electric-Fan kapag kaunti lang ang natanggal na pulbo at mukha ka pa ring Espasol, eh mahiya ka na. Kadiri-diri na ang lagkit mo sa katawan kaya marapat lang na maligo ka na.

Na pwede ko ding maihalintulad sa dating presidenteng Himas-Rehas ngayon na itatago natin sa pangalang PGMA na sa sobrang dungis ng pangalan, kahit isandaan at walong libong beses maghugas ng kamay eh hindi na lilinis ang pangalan.

Kaya sa hinaba-haba ng sinulat ko dito kahit maikli eh isa lang ang gusto kong palabasin.

"Mahirap maglaro ng Tumbang-Preso sa putikan""



Mga shampoo commercial nga pala ang nagpro-promote lang ng pagligo, ngayon ko lang naisip.


 Napahiya ata ako. Kaya ngi-ngiti na lang ako ng ganito..


Penulis : Paul Vincent Evangelista ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Ugaliing maghugas ng kamay ini dipublish oleh Paul Vincent Evangelista pada hari Linggo, Enero 8, 2012. Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Ugaliing maghugas ng kamay
 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.