Hayskul Memoris

Ilang buwan na lang magtatapos na ako. Makakaalis na ako sa Konstitusyong tinatawag nilang  “High School” at ilang buwan na lang din tatapak na ako sa sementadong lugar na maghahanda sa akin sa pagabot ng mga pangarap ko, ang Kolehiyo.

Apat na taon din akong naglabas pasok sa konstitusyong ito habang ganun nagpasok-labas naman ang mga itinuturo ng mga guro ko. Sa apat na taong iyon, tatlong taon ang iginugol ko sa E.P Ville Integrated Academy. Tatlong-taon ako ditong naglabas-pasok sa munting gate habang nakikipagsik-sikan sa mga bag ng mga elementary na nakaharang sa daanan at sa hapon, sa mga bata naman na akala mo laging may rally. Pero sa tatlong taon na iyon marami na akong natutunan at malamang mami-miss.

Isa sa mga natutunan ko dito ay kung paano makasingit sa mga nagra-riot na estudyante at ang kanilang kumakalam nasikmura kapag recess o kaya lunch. Kailangan lang gamitin ang laki ng katawan mo at haba ng kamay para mai-abot agad ang bayad kay Ate Nieves o Ate Cathy (Siyempre, ‘matik na yun kapag nakuha na nila ang bayad mo, No-Choice na sila. Kailangan ka na nilang bigyan ng kung anu mang binibili mo). Atbp.
Natutunan ko din ang tamang pag-gamit ng Scientific Calculator, may silbi pala lahat ng pindutan ditto akala ko kasi nun trip lang ng mga umimento o kaya gawin lang itong sulatan ng kung anu-anong katangahan Example: Asin (Alpha+A+sin) J)

Isa na din dito ang pag-utot ng walang amoy. Ewan ko kung paano ko natutunan Inborn na din siguro o kaya “Natural Talent”.

Pero sa likod ng lahat ng iyan, marami din akong mami-miss lalo na ngayong huling taon ko dito.

Mami-miss ko ang room namingDual- Purpose: Classroom sa umaga, Pugon sa tanghali. Ito rin pala ang room na RAMDAM MO LAHAT. Ramdam mo ang iniluluto sa canteen pag umaga, ang baho ng simoy ng hangin kapag dumadaan ang sundo ni Job, Ramdam mo ang mala-chemical weapon na Anghit ng kaklase kong hindi ko na babanggitin kung sino.

Mami-miss ko din ang mga Korning Joke ni Sir.Rico. Ang pagpapaluto ni Maam Ella. Ang Spaghetti, Lumpia at Sinangag ni Ate Nieves pero siyempre hindi mawawala diyan ang WALANG KAMATAYAN NIYANG ADOBO na simula nung Second Year ako hindi na nawala sa Menu sa kapag tanghali.

Ang CR naming (naka-tiles na ngayon) Mapanghi sa sobrang baho eh na-naisin mo na lang masuka kesa maglabas ng dumi. Pero minsan, hindi naman siya mabaho.Magluluha lang naman ang iyong mata at magtatampo sa iyo ang ilong mo sa sobrang tapang ng chlorine na inilalagay kapag di na kaya ng sabon ang baho nito.

Ang Library na Dual-Purpose din Pwedeng Tambayan at Pwedeng tambayan XDD

Ang mga nagchi-chismisang mga nanay na laging merong seminar sa loob ng canteen meron ata silang negosyo business partner silang lahat kaya laging maingay at ang nakakairitang tawa ni Ate Nieves kapag nagjo-joke si Kuya Buboy.

Pero siyempre mami-miss ko din ang mga kaklase kong Inborn na ata ang mga TOPAK sa ulo.
Hindi ko makakalimutan ang mga kaklase kong magnanakaw ng ballpen at panyo. Mga kaklase kong ginagawang GAMEBOY ang cellphone kong pangkaskas ng yelo na pwede ring pang-kalso sa umuugang lamesa.

Ang nakakburyong na Halakhak ni Krissia, ang pambabara ni Kim, ang improving na si Louie ang mga sigaw na di ko pa rin alam kung bakit kailangang sumigaw ni Job para basagin ang katahimikan. Ang Lovestory ni Ken at ni MJ, Ang pambuburaot ni Majho at Honeylyn.Ang Paglalampungan ni Junel at ni Elmido kapag nagmamahalan sila at yung iba ko pang retarded na kaklase.

---------
Sir Julius: Ken! Ikaw? Saan mo gusto tumira?
Ken: Sa mapula-pula, maraming ugat-ugat…
Sir.Julius: Saan yun ?
Ken: Sa puso ni MJ :”>
 ---------

At siguro kukulangin nang page ang Facebook kapag pinagpatuloy ko to pero bahala na si WonderMan (Ang paboritong superhero ni Special Someone Ayyyyyieeeee).

Mami-miss ko din siyempre ang mga guro ko simulan na natin kay Maam Meanne na nagturo sa amin ng Math at Physics na di ko pa rin lubos maisip kung bakit naming kailangang matuto nang ganun, Hindi naman ako magso-solve kapag nakakita ako ng anino ng poste o kaya ng nakaharang baka sa daan.

Ang mga walang umay na Stag Jokes ni Sir. Rico na sa sobrang corny eh matatawa ka. Tsaka, may dalwang dahilan kung bakit ka matatawa; 1) Matatawa ka dahil sa sobrang corny nito eh nakakatawa na talaga. 2)Ang pambabara naming sa kaniya.

Si Maam Ella, ang may pakana ng Cosmetology ang pagme-makeup ng lalaki sa mga babae at ang paglalapastangan sa mga kuko naming mga lalaki kagagawan naman ng mga babae.

Si Maam Arvie na nagturo sa akin kung paano naglandian si Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa terrace HAHAHAHAHAHAHAHA !!! at ang pagpapakilala niya pala sa akin kay Padre Damaso

Si Maam Chona na nagturo sa akin kung paano magalit nang hindi nagagalit.

Si Sir. Ryan o mas kilala sa tawag na “Vladimir” dahil pangarap niya daw yung pangalan nay un. Ang walang umay na Presidente de tagay sa inuman, Prinsipe ng “Cheemong Pickup Lines” at animal ng Photoshop. TIWALA LANG DRE !!

Pero siyempre sa adviser kong daig pa ang Bagyo, Buhawi, Ondoy sa kahanginan yun ay walang iba kundi si Sir. Julius. Ang teacher na nagparecite sa akin ng Poem, ang walang sawang pagkabisado ng General Theme at Schematic at General Framework. Ang Teacher na walang sawang nangre-reject ng mga Reaction Paper naming at Literary Criticism papers naming at ang kaniyang kayaman dahil mayaman siya. Ang Teacher na naglalaro ng Plant VS Zombies kapag vacant niya. Pero hindi lang puro ganiyan, marami ako sa kanyang napulot na aral na maari kong magamit sa pagtupad ng aking mga pangarap. Pero Mayabang talaga yan sobra, pero maraming salamat sir sa mga gabay at payo na ginawa ko ng pamantayan at itinaga sa isip ko !

-----------
Sir. Julius: *may hawak na lapel*
Paul: Sir ! Kanino yan ??
Sir. Julius: Akin to siyempre! Sino lang ba ang mayaman dito? Di ba ako lang ? kaya wag ka na magtaka.
-----------
Maam Meanne: Anung nangyari sa cow? Na-hit ba siya ng jeep? Anung nangyari sa kaniya?
Anonymous: Maam! Naging TAPA maam!
-----------
Ken: Mj, malapit na pasko ah exchange gift tayo. Iyo ako, akin ka :”>
MJ : *blush*
----------
Job: Knock Knock!
Kim: Who’s there?
Job: Janna!
Kim: Janna who?
Job: *ngingiti na parang baliw biglang ituturo si janna* (sabaysigaw)
Sa lahat ng lahat ng aking mga guro, maraming salamat sa inyo sa walang sawang pagtuturo at pag-gabay sa aming mga estudyante patungo sa tamang landas n gaming buhay. Saludo ako sa inyo! MARAMING-MARAMING SALAMAT!

At para sa mga kaklase ko, Leche kayo.

Leche kayo dahil, ginawa niyong masaya ang mga boring na araw natin sa loob ng Oven-toaster, ang pagsira ng buhay ko, sa paglo-lobat nang cellphone ko na pangkalso na lamesa, sa walang umay na pambabara kapag nagbibigay ako ng corny na joke at walang umay na pambuburaot kapag lunch at recess. Atska nga pala, napatunayan ko dahil sa inyo na

“HINDI NAMAN NATIN KAILANGAN NG MARAMING ACTIVITIES PARA GAWING MEMORABLE ANG FOURTH YEAR NATIN EH, NASA SA ATIN NA YUN KUNG PAANO NATIN GAGAWING MASAYA ANG MGA BAWAT ARAW NATIN SA ESKWELA”

Kaya sa mga kaklase ko, maraming salamat at LECHE TALAGA KAYO.


…….
(Biglang nagcheck si Sir Julius)

PAUL ! I-REVISED MO TO ANG DAMING TYPOGRAPHICAL ERROR! AT ASAN ANG FRAMEWORK MO AT CONCLUSION! PATI GENERAL THEME WALA! WALA TO!

REJECT !!

Penulis : Paul Vincent Evangelista ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Hayskul Memoris ini dipublish oleh Paul Vincent Evangelista pada hari Linggo, Enero 8, 2012. Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Hayskul Memoris
 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.