Kaleyds Part 1: Wer U At?


Kaleyds: Wer U At? Part 1
Pangalawa kong entry ‘tong “Kaleyds: Wer U At?”
Medyo Ganado ako magsulat-sulat ngayon eh. Pasensya na nga pala dun sa huli kong article na medyo ma-drama ang peg ko. At eto na ang pangako ko sa inyo.
Anu handa ka na ba? Oh tara, GAME!

------

Simula nung nagpasukan hindi ako nakapagkwento ng college life ko ngayon dalawang buwan na ako sa gubat na ito. Kaya eto sisimulan ko ang pagku-kwento kung bakit nga ba ako napunta dito sa Colegio de San Juan de Letran.

Nung 4thyear stupident pa lang ako, wala talaga sa isip ko ang pumasok sa Letran ni alikabok wala. Naka mind-set kasi ako nun sa University of the Philippines o Peyups. Isang buwan at kalahati ako nag-review center at nung simulation exam nakakuha ako ng Above-average na score kaya kampante na akong papasa sa Peyups. Nakapagtest na ako at inaantay na lang ang resulta. Sitting pretty na lang daw ako sabi ng nanay ko maghanap daw ako ng ibang papasukan dahil di pa daw ako sigurado na papasa ako sa Peyups. Masunurin naman akong bata kaya naghanap agad ako. October pa lang pero naghahanap na ako ng ibang papasukan.

First stop: Far Eastern University sana. Pero nung pagkabanggit ko pa lang sa nanay ko na magi-inquire ako dun hindi na niya ako pinayagan.Ewan ko galit na galit siya sa FEU natalo ata ng volleyball dati. Kaya hindi na tuloy ang balak kong mag-inquire sa FEU.

First stop ulit: Lyceum of the Philippines University o LYCEVUM. Kasama ko ang kaklase kong mag-inquire sa Lycebum. Okay naman 11:30 kami nakadating sa Intramuros dahil nagkandaligaw-ligaw pa kami. Hindi naming alam ang pasikot-sikot sa Maynila. Pagpasok naming ng Intramuros alam kong isa lang ang nasa isip naming ng kaklase na ko parehas pa kaming naka-long sleeves ito ay ang “WOOOAAAHHH!!! TSIKS”. Grabe busog na busog ang mata namin sa mga nakikita naming iba ang kolehiyala. Pag punta naming sa gate lunch break daw balik daw kami ng 1pm. Okay lang, napagusapan naming ang mga gagawin namin pag dito kami nagaral at ang sabi niya ayaw niya dito magiging batang ama daw siya. At nakapagpa-schedule na ako ng Exam ko. Multimedia Arts at Legal Management ang nakalagay sa Application Form ko. Pagkatapos ng exam pasado parehas. Ang kasama ko, hindi pinalad.

Second stop:  De la Salle College of Saint Benilde. Isa pang WOOOAAHHH!! Nag-apply ako dito ng college grant para sa kursong Multimedia Arts. Kaso tinamad ako magayos ng mga applications. At dismayado din ako nung mga panahong yun dahil naging REPRESENTATIVE AKO NG TAGUIG PARA SA SHORT-FILM MAKING CONTEST. Grabeng pressure ang naramdaman ko nun, biruin mo buong NCR ang kalaban ko. Halos isang linggo lang ang naging preparation ko noon para sa contest. Dalawang araw para sa pagbuo ng concept. Dalawang araw sa paghahanap ng cast at Tatlong araw para sa Shooting at Editing. Dahil sa susunod na linggo pagkatapos ko gumawa eh Journalism naman nag aatupagin ko dahil sasali ako sa Feature Writing contest. Hindi ako pinalad manalo. Nakuha ng Don Bosco ang corona na pinangarap kong mapasaakin at tinamad din ako magapply sa Saint Benilde.

Third Stop: Colegio de San Juan de Letran. December na at pinilit ulit ako ng nanay ko na mag-inquire. Dahil na rin sa pinsan ko kaya ako napadpad sa Letran. Pagpasok ko pa lang eh hinarass na ako nung babaeng gwardya na hindi o alam ang pangalan. Nakapag-inquire na ako Digital Arts at Advertising ang nakalagay sa form ko na parehong guni-guni ko lang. Next week din agad ang Exam ko. Nakapag-exam na ako at pasado okay! Kailangan ko na lang daw magpa-interview. Pero nung una ayoko dito sa Letran kaya di ako nagpunta sa Interview.

Last stop: San Beda College. Eto na ang huling choice ko at dito ko na desididong pumasok dahil natanggap ko na ang result sa Peyups. Bagsak ako. Nag-inquire ako dito sakto pa parang may fiesta sa loob ng San Beda may mga rides at car show. Ayos. Desidido na talaga ako dito pumasok. Nakapaginquire na ako at ang nakalagay sa form ko BS PSYCHOLOGY isang malaking guni-guni ko lang.Nakapagexam na ako. Ayos. Pero after one week pumunta akong Beda para malaman ang resulta. Bagsak ako by 3 points. Hindi daw pwede ipa-reconsider. Apply na lang daw ako ng retake kung gusto ko umapela. Ayoko na may ibang motibo sila kaya nila ako binagsak. Ayoko ng Pagusapan.


Dahil sa inis at galit ko sa San Beda dumiretso ako ng Letran pagkakuha na pagkakuha ko ng result sa San Beda. Pagpasok ko ng Letran dumiretso ako ng Admission na parang siga. Sabi ko magpapa-interview ako kahit wala akong dalang requirements. Okay lang daw, pero bakit ngayon lang daw ako bumalik December pa lang nung nagexam ako, February na. Kaya nagpa-interview ako at sabi ko dun sa nag-interview gusto kong baguhin yung course na ie-enroll ko gagawin kong BS PSYCHOLOGY, more on Mental Skills daw ang BS PSYCH. Sabi ko okay lang desidido na ako. Kaya yan ang kwento kung bakit PSYCHOLOGY ako ngayon kahit labag sa kalooban ko.
Naging madugo ang enrolment ko. March na. Maraming na ding nage-enroll. Andaming papers na pinirmahan at linyang pinilahan. Pagkapunta ko ng Finance at kunin yung assessment form ko. Napagtanto ko. Kulang ng 105php yung dala kong pang-enroll. Nahihiya naman ako sa Finance makiusap kabago-bago ko hindi pa nga ako enrol mag pro-promissory kaagad ako? Kaya ang nangyari kailangan ko pang umuwi at manghingi ng 100 pesos. Tae pagdaitng ko ng bahay kuha agad ako ng pera at alis agad. Grabe ang pagod ko. Kaya pagdating sa ID Picture ko. Nakasimangot ako.

Itutuloy………..
READMORE
 

Lipas ng Gutom.



Finally! After 48 long years na kakaintay ng fans ko (meron ba talga?) nakapagsulat na ulit ko! YEY!
Anu hand aka na bas a patikim ko ngayon? Oh, tara lets game!

----------

Mga dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nung huling beses akong magsulat ng article. Ewan ko, masyado kasi akong habol ng habol sa oras, lagi akong nagmamadali. Kapag naman may oras ako tinatamad akong gumawa.
Out of the blue lang kung bakit ko naisipan ulit magsulat. Ngayon pang ala-una ng madaling araw at kasagsagan pa ng Midterm Exams. Ang una kong ideya ang isulat ang buhay ko ngayon kolehiyo na ako.

1.7 kilometers na byahe sa Tricycle, 3.9 kilometers na sakay sa jeep at walong istasyon ng LRT ang tinatahak ko araw-araw para makapunta ng eskwelahan ko. Alas-kwatro gising na ako at aalis ng alas-singko. 7am kasi ang klase ko, hindi pwedeng ma-late. Yan ang sumalubong sa 74kg/s ko na katawan. Yan ang kolehiyo. Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganyan. Dala ko pa nga rin siguro ang pagka-hayskul ko. Noon kasi 7am din ang pasok ko pero dahil isa’t-kalahating dougie lang ang layo ng school ko sa bahay ay 7am na din ako umaalis.

Astig ako nung hayskul dahil na rin siguro Corps Commander ako ng CAT namin noon, nakapagpatalsik ako ng dalawang bading na guro sa eskwelahan namin. Astig ako, yun ang tingin ko sa sarili ko. Hindi na pwede ngayon sa college ang mga katarantaduhan ko nun, wala na rin kasi yung mga kaibigan kong tatlong taon kong kasama sa pamba-balasubas. Iba na ang aura ng taong nasa paligid mo. Kailangan mong makibagay at makisama. Bagong surroundings, alam ko hindi ito ang “natural habitat” ko.

Di na rin ako nakakapagsulat dahil sa pesteng college. Kahit wala akong hinahabol eh di ko magawang hanapan ng freetime ang sarili ko. Andami kong mga ideya sa mga bagong proyektong gagawin ko, andami kong mga hindi tapos na article na nagmistulang mga drafts na lang. Hindi na rin ako makapagsulata ng kanta karamihan sa kanila title lang at dalawang linya ang natapos ko. Para ko laging hinahabol ng oras at pakiramdam ko ay nalilipasan na ako.

Kapag dumadating ako sa bahay diretso na sa kama pagod sa biyahe wala ng kain kain, ang nalalabing oras eh kulang pa para sa mga homeworks na parang project ang haba. “Life is a matter of choice” yan ang laging inu-ulit ng adviser ko sa amin nung fourth year high school ako. Kung anung magiging desisyon ko ngayon eh tatak sa kinabukasan ko. Kaya sa araw-araw mas pinipili kong matulog ng maaga kesa gumawa ng assignments. Bahala na si Wonderman. Yan ang buhay ko ngayon. Ibang-iba kung anu ako noon. Tanggap ko na. Hindi ko lang ma-appreciate.

Kalaban ko ang oras araw-araw, lagi ko ‘tong hinahabol. Lagi naman niya akong iniiwanan. Paminsan niya rin akong pinagbibigyan, pero sinasayang ko lang sa walang kabuluhang bagay. Partida pa, FIRST YEAR COLLEGE LANG AKO. Bakit ako nagcra-cram? Ewan ko. Bakit ako napre-pressure? Ewan ko. Sadya lang sigurong inatake na ako ng katamaran. Hindi ko na nga kayang gawing “witty and funny” yung mga sinu-sulat ko dahil kailangan ko na ‘tong matapos. Madalian lang kumabaga, parang reporter na 30mins before deadline.

Hindi ko na magawa ang mga gusto kong gawin. Imbis na nagsu-sulat ako ng mga articles ko para sa Fans Club ko eh Technical Report sa Inorganic Chemistry ang ginagawa ko.  Pasesnsya na kung seryoso ‘tong pulitizer ko ngayon. Hindi ko na mailabas ang kati ng utak ko. Andami kong gustong isulat mas maganda pa kesa dito pero pag harap ko sa screen ng Laptop ko bigla akong mabla-blanko. Ni hindi ko na nga rin ma-edit yung mga typographical error nito. Pasensya na mga ka-ninja. Hanggang dito na lang muna, pangako sa sususnod na entry ko balik tayo sa “dating ako”. May Exam pa ako bukas. Nalipasan nanaman ako. 
READMORE
 

VALEDICTORY ADDRESS KUNO


Magtatapos na ang taon, gra-graduate na.

Ito na ang huling article ko para sa mga kaklasend baliw-baliw. Ito dapat and Valedictory Address ko kung ako yung Valedictorian o kaya Salutatorian pero hindi eh. Under-achiever ako, ayoko yung nagcra-cram ako. Kaya siguro ako hindi nagging Valedictorian pero pinaghahawakan ko kasi ang pagiging Top 9 ko.

Pwede kang lumuha habng binabasa mo, gusto kong maging parang montage itong article na ito, yung nagfla-flashback lahat ng alalala natin nung nagsisimula pa lang tayo hanggang matapos na tayo. Kaya gusto kong pakinggan mo ang “Kanlungan” ni Noel Cabangon bago ka magsimula basahin ‘to,

Mga minamahal kong kaklase, handa na ba kayo sa huling katangahan ‘to? Maglagay ka nan g tissue sa tabi mo. Game na :(

I-play mo na yung Kanlungan ni Noel Cabangon bago ka magpatuloy magbasa.
----------

Mga minamahal kong mga kamagaral, kaklase, katropa, kaibigan, kasama sa tawanan, problema at anumang hirap na napagdaanan natin. Sa ilang sandali na lang mapapawi na ang pagod at hirap natin. Apat na taon tayong naglabas-masok sa Paaralang ito, yung iba dalawa lang o isa. Pero hindi matatawaran ng kahit ilang taon pa yan ang mga ala-alang iiwan natin sa isa’t-isa.

Naaalala niyo pa ba noong una tayong humakbang sa Highschool natin? Yung iba sa atin masaya at excited yung iba naman eh kabado. Bagong buhay, bagong mga patakaran at bagong kalalkaran ang ating mararanasan. Pero ngayon tatanungin ko kayo, anung nararamdaman niyo na ngayon ay lumaki na kayo, hindi na kayo si Neneng at si Totoy na bata-bata pagkat ngayon hahakbang nanaman tayo sa isa pang bahagi ng ating buhay para maabot natin ang ating mga pangarap. Ang Kolehiyo. Yung iba excited, yung iba ayaw pa matapos ‘to, iba nalulungkot at yung iba masaya dahil nakasurvive na sila sa gubat na ito. Wag kayong magalala magbago man ang lahat, magabago ang paligid, ang kalakaran at ang mga taong nakaplaibot sa iyo, HINDI NA MAWAWALA ANG MASASAYANG ALA-ALA na NAITATAK NA SA MGA UTAK NATIN.

Sa pasukan, iba sa atin ay iiba na ang landas. Mawawala na ang asaran sa pasukan ang kulitan at harutan ant kwentuhan kung kamusta ang bakasyon niyo. Wala na ang mga kilala nating mukha na sasalubungin tayo ng mga mukhang nakangiti. Wala na ang mga dating tropa na papasok na alng kapag regular classes na at sasama pa rin.
Wala ng Sir Rico na hihirit ng corny na joke. Wala ng Maam Ella na magpapaluto sa’yo. Wala ng Maam Meanne na magpapasakit ng ulo mo dahil sa numero. At wala ng Sir Julius na magpapasakit ng ulo mo sa mga Schematic at General Framework. Wala na.
Wala na yung mga kaibigan na kasama lagi sa asaran, tawanan, problema at iyakan.

Wala na yung mga nakakiritang tawa, wala na yung mga nakakairitang ingay. Wala na rin ang magulo at mainit na classroom. Mainit man at nakakirita, mga nagdaang ala-ala  naman ay kay saya.

Nagdadaan ang panahon, lumilipas ang oras, umiikot ang mundo. Tanging ala-ala lamang ang mananatiling bagay na hindi magbabago. Kaya hangga’t maari, gawin niyong kayaman ang mga ito at wag hayaan na mawala sa inyo. Pagkat nalagpasan na natin ang unang pagsubok na ito ng sama-sama.

Kaya mga kamag-aral, kaklase, kaibigan o mas maganda na ngayon ay mga Kapatid, naging bahagi tayo ng buhay ng bawa’t isa sa atin. Kung paano niyo nilagpasan ito, malalagpasan din natin ang mga susunod na kabanata ng buhay na atin. Pero sa ngayon, dito nagtatapos ang isa nanamang pahina ng buhay natin wag ka magalala, pwede mo pa naman balikan ang pahinang ito upang alalahanin. Ang isang magandang pahina na binuo ng Tawanan, Asaran at Magagandang Ala-ala. Ngayon, kailangan na nating magpatuloy sa isang bagong blanking pahina ng buhay. Blanko dahil pupunan natin ulit ito ng mas magndang ala-ala, mas malalakas na tawanan, at sa pahinang ito dito muna sinusubukan abutin ang mga pangarap mo. Mga pangarap na akala natin dati ay hindi natin maabot.

Kaya sa inyo, salamat at nagging bahagi kayo ng isang napakagandang kabanata. Isang kwentong mas astig pa sa Twilight, Mas magaling pa kay Bruce Lee at mas malala pa sa pagiging Immortal. Katulad nga ng sinabi ko dati, napatunayan kong hindi natin kailangan ng maraming activities para gawing memorable ang huling taon natin. Pagka’t ang araw-araw natin ay isang magandang lakbay ng buhay na kahit kalian hindi kayang tumbasan ng kahit sinuman.

Salamat sa aming mga nagging guro. Na nagturo sa amin ng mga bagay na noon ay hindi naming alam, at ang pagpunan ng mga kaalaman ang utak naming. Mas nagpapasalamat kami sa aming minamahal na guro na si Ginoong Gumop-As, na hindi lang pinuno ang utak naming ngunit pati ang mga puso naming. Pinuno niya ng mga pangaral at iba pang bagay na makakatulong sa amin sa buhay. Ang paghikayat sa amin na wag sumuko, wag kang hihinto na kalaban naming ang oras kaya kailangan maunahannamin ito. Sa guro naming ito, maraming maraming salamat.

Mag kaibigan, Salamat.

READMORE
 

11 Easy ways para mapansin ka ng crush mo :))


11 Easy ways para mapansin ka ng crush mo

Wala ng pakesyo-kesyo, matagal na akong di nakakapagsulat kaya mamadaliin ko lang to.
Ayoko na ng lagi akong nage-explain kung bakit ganito-ganyan.
Nakakatamad.
Oh anu hand aka na ba? Dapat lang.

-------

Magandang Umaga/Hapon/Merienda/Gabi/Midnight!
Binabasa mo ba ‘to para mapansin ka ng taong kinahahangaan mo? Eh tamang-tama pala ang pagbasa mo nito bibigyan kita ng tips para mapansin ka ng crush mo mapababae man o lalaki! Pasalamatan mo na lang ako kapag napansin ka na niya.

1. Proper Hygiene. Unang-una sa lahat yan, dapat malinis ka, bagong toothbrush, bagong lagay ng deodorant sa kili-kili, maligo RESPONSIBLY. Mag-gupit ng kuko, lagi dapat maayos ang buhok pwera kung rockers ka wala akong pake sa buhok mo. Basta dapat malinis kang tignan. Tandaan mo, walang nagkakagusto sa mukhang Taong Grasa. Pwera na lang din kung punks yung crush mo, wala akong pake sa inyo. PS: MAGHILOD KA HANGGANG MAKINTAB KA NA AT PWEDE NG MANALAMIN ANG NANAY MO SA BALAT MO.

2. Proper Grooming. Sa mga bobo, hindi ito yung “groom” sa kasal. Syempre kapag malinis ka na at kumikintab-kintab, kailangan mo namang magdamit ng maayos hindi yung bagong safeguard ka nga Taong greasy pa rin naman ang pormahan mo, pwera na lang kung punks ka bahala ka. Syempre dapat disente. Kaya kung gusto mo sa grooming pa lang eh mapansin ka na ng crush mo Ternohan mo ng Barong Tagalog yung boxer shorts mo na tweety bird at combat shoes tapos mag-aviator glass ka na rin para masaya.

3. Smile. Kailangan mukha ka laging masayahin, always smile. Effective to kahit saan. Wag mo lang gagawin sa burol.

4. Magpa-impress. Yeah, that’s right. Kapag mag-kaklase kayo madali lang magpaimpress, sumagot ka lagi sa mga recitation, pataasin ang grade atbp. Pero kung di naman, madali lang din. Pag nakita mo siya papalapit sa iyo bumack-dive ka ng apat sabay luhod tapos tayo na parang walang nangyari, kung ako babae maiimpress ako sayo nun. Kasi ang galing mo. Ang galing mo magmukhang tanga.

5. Always be funny. Ngayon pa lang magstock ka na ng mga jokes sa utak mo. Wag kang gagamit ng mga luma ng jokes na gasgas na at di na napapanahon tulad nung joke ni Ate Liway na Ang magtatay at Kalabaw. Walang kwenta yung mga ganung jokes. Umisip ka ng jokes na cool at trendy yung tipo ng joke na kapag may nakarinig nito eh lalabas at dudugo ang gilagid ng makakarinig nito. Yung nagiging violet na dahil di na makahinga kakatawa. Yung mga ganyang uri ng joke. (e.g. Ano ang apelyido ni Mary? Edi Christmas!)

6. Enhance your talent. Minsan kailangan din ‘to. Maswerte ang magiling sumayaw at kumanta dahil sila yung tipo ng unang napapansin ng mga crush nila. Pero kahit anong talent mo kailangan mong magensayo para makasali kapag nagfoundation day ang school niyo at sumali ka isang contest. Pero kung ang talent eh ang kumain ng bubog at humiga sa yero at mgabasag ng bote sa ulo. Wag mo ng intindihin tong number 6. Walang babaeng may gusto sa Alien. Si kokey lang ang kilala kong kumakain ng kutsara. (Eto yung lumang kokey, hindi ito yung kokey na “kukuri-krikok” sa channel 2)

7. Improvise. Improvise, kailangan mong humanap ng mga paraan para mapansin ka niya, tulad ng iba’t ibang paraan. Magsearch ka sa youtube marami dun.

8. Maligo. Alam kong nabanggit ko na ito kanina, pero uulitin ko para sa mga kalalakihan. MALIGO ang pangunahin mong gagawin para mapansin ka niya. Pwera na lang kung punks ka.

9. Keep connected. Magtext kayo palagi, magusap sa personal man o sa telepono para di ka niya makalimutan. Kung tatawag ka naman sa telepono at medyo strict ang parents niya, ehitext mo muna siya na tatawag ka para siya ang sumagot, pero kapag tatay o nana yang sumagot bigla kang sumigaw sa telepono ng “CHOORVAAA!!” sabay baba ng telepono at magkulong ka sa kwarto mo dahil sa kahihiyan na iyong ginawa. Lalo na kapag sa suking tindahan ka lang nakitawag.

10. Always make her smile. Eto ang di pa pumapalya sa lahat, ang pagpapatawa. Although mahirap, eh dapat kailangan pagtiyagaan, patawanin mo dapat si crush hindi lang sa mga jokes umisip ka ng paraan para tumawa siya. Dahil ito ang pinaka-matinding weapon mo laban sa kanya upang mapansin ka niya ang patawanin siya. Wala pa ‘tong sabit tanong mo pa sa lolo ko.

11. Wag kang makikinig sa akin. Wag na wag.

At para naman sa babae meron lang isang paraan para mapansin ka ng crush mo.
ANG MAGPAKITA NG CLEAVAGE.

READMORE
 

Kamalasan Level : BULLSHIT

Bago ako magsimula, may mga bagay na muna akong lilinawin. Totoo lahat ng nakasulat dito. Walang joke, kung hindi kayo maniwala eh bahala kayo.

Oh anu game?
---

Ewan ko ngayong araw ata eh tropa kami ng kamalasan. Paano ko nasabi? eto mai-kwento ko.

May 31, 2012.

Wala akong tulog magdamag, tutok lang sa internet. Nagaway kasi kami ni Girlfriend basta mahabang kwento at ayaw niya ako patawarin so ayun. 

Alas nuebe ng umaga (9:00am) habang nanunuod ng Ben 10 sa TV5 ay kinailangan ko ng maligo pupunta kasi akong Letran kukunin yung Psychology uniform ko. Nakahubad na, magbubuhos na lang at pagbukas ng gripo? Wala. Walang tubig. Kinailangan ko pang umakyat sa taas at doon maligo. Ayos pa naman. Di naman kasi ako matagal maligo. Ang pinakamatagal ko atang tinatagal sa CR eh kapag tumatae ako. Kapag naliligo? Ganito kapag commercial ng palabas na pinapanuod mo, asahan mo pagtapos ng commercial tapos na din ako.

Umalis ako ng bahay ng 9:30am para hindi ako maabutan ng lunch break sa school. Pasakay na ako ng tricycle at eto alam mo yung mga trycycle na walang laman? Ganun yung nasakyan ko. Ang kupad magpaandar naghahanap ng pasahero. Hihinto. Aandar. Hihinto. Aandar. Nakakainip. At nung pagdating ko sa may Caltex 10:01 na. Bulshit! 30mins ako sa Trycicle? Badtrip. Pero hinayaan ko na, naaawa nga ako dun sa trycicle driver dahil ako lang yung pasahero niya hanggang Caltex. Nahawaan ng kamalasan ko.

Sumakay ako ng Jeep pa LRT sa Pasay. Sakto walang pasahero sa harap! Ayos to. Sakay ako sa harap. Pagdating sa isang kanto may matabang lalaki na sumakay din sa unahan at pinaurong ako katabi ng driver. Tumingin ako sa likod. Apat lang ang pasahero, bakit kaya hindi dun sumakay tong mokong na to. Pinagitnaan ako ng driver at ng matabang lalaki? Sandwich ang labas ko para akong burger patty. Hindi pa yan ang worse part. Traffic simula TESDA hanggang Pasay at tuwing kumakambyo yung driver eh sinisiko niya tagiliran ko. Hinto. Siko sa tagilirin. Hinto. Siko sa tagiliran. Oo, sumakit na yung liver ko kakasiko nung mokong na driver. Hanggang Pasay nangyari yun Sikuhan to Allnetworks. Gusto kong sipain yung matabang tumabi sa akin. Kung hindi dahil sa kanya hindi sana nagulpi yung atay ko. Leshe.

Habang umaakyat papuntang LRT nakahawak ako sa tagiliran ko. No joke masakit talaga yung Siko ni Sagat. (Sagat ang pinangalan ko dun sa driver tapos yung katabi ko si E. Honda). Pagkatapos ko bumili ng ticket, sa dulo ako pumwesto para mag-abang. Mas konti kasi yung mga tao sa dulo kaya lagi ako ditong pumu-pwesto. Wala naman tao, akala ko makaka-upo ako. Hanggang sa sobrang tagal dumating yung tren, nagkumpulan na yung mga tao, marami na kami. parating na yung tren. Ayan na!! Sabay napasigaw ako ng tangina. Lumagpas sa akin. Sa may medyo gitna na huminto yung tren. Kamalasan nga naman. Hindi ako nakasakay. after 10mins bago dumating ulit yung isa pang tren, nasa dulo ulit ako at ganun ulit yung nangyari. Sa may gitna nanaman siya huminto pero sa pagkakataong ito, determinado na ako sumakay nakipagsikuhan na ako sa mga kumag na papasok. Nakapasok din ako.

Akala ko kapag na sa LRT ka na wala ng problema, meron pa pala. Mala nuclear na putok ng katabi mo. 5'5 lang ang height ko medyo maliit pero yung katabi ko siguro mga 5'11 matangkad at parehas kaming nakatayo at NAKATAAS ANG KILI-KILI NIYA. Singhot ko lahat. Para akong filter ng hangin. Singhot ko lahat. Hindi ako makalipat ng pwesto dahil siksikan. Singhot ko ang superpowers niya ang hanggang bumaba siya sa UN. Kapag baba niya para akong nakalanghap ng sariwang hangin. Hangin na nanggaling sa kalangitan. Bumaba na din ako sa Central Avenue. 

Naglalakad ako simula Park N' Ride hanggang Letran. Sobrang init. Bago ako pumasok ng Intramuros tumambay muna ako saglit kay Manang at nagyosi bago ako pumasok. Pagdating ko sa school eh Lunchbreak daw sabi ko sa guard wala pa namang alas-dose. Pagtingin ko sa relo ko 12:09 na ang hayop. Tumamabay muna ako sa loob ng campus nag-antay dun sa gumagawang uniform. Nagnilay sa mga nangyari kaning umaga at sa lahat ng kamalasan ko. Hanggang pumatak na ang ala-una.

Akala niyo ba, diyan na nagtapos ang kamalasan ko? Hindi pa. Pagpunta ko sa Room 205 wala pa daw yung uniform ko baka daw Lunes pa. TANGINA!!! NAGPASIKO AKO SA DRIVER, SUMINGHOT NG NUCLEAR GAS AT NAGANTAY NG ISANG ORAS PARA SA WAALLAA!?? Yan dapat yung sasabihin ko pero nagpasalamat na lang ako at umalis.

Umuwi na ako Sumakay na ako ng LRT. Akala ko tapos na ang kamalasan ko. Hindi pa pala.

Nakasakay na ako ng Jeep pa FTI hindi na ako sumakay sa unahan ayoko na ulit masiko. Nadala na ako. Hanggang pagdating sa may Evangelista, alam mo kung sino yung sumakay at tumabi sa akin? Si E. Honda. Putakte. Coincidence ba o stalker ko tong hinayupak na matabang to. Oo tulad ng kanina, siniksik niyo hanggang sa kuyukot ko na lang ang nakaupo. Pesteng E. Honda to. 

Laging traffic sa may Villamor, kaya inikot ng driver sa may Bicutan yung Jeep na sa akala niya eh makakaiwas siya sa traffic. Mas mahaba pala. Hindi ko alam anung pumasok sa ulo ng driver o baka nananadya dahil alam niyang katabi ko si E. Honda at kuyukot ko na lang ang nakaupo. after 15 mins nagsimula umulan. after 30 mins tsaka pa lang kami nakarating sa may bonifacio sobrang sakit na ng kuyukot ko. May shit na pumasok sa utak ko na siksikin si E. Honda. Siniksik ko sya ng siniksik hanggang pisngi na lang ng pwet niya ang naka-upo. Pero bumawi siya. Dinaan niya na ako sa laki. sa kakasiksik niya eh talo ako. Sumabit ako kahit sobrang lakas ng ulan.Basa na yung kalahati ng pantalon ko. 

Pagbaba ko ng jeep sandaling tumigil yung ulan at nakasakay ako ng trycicle. Buwelo lang pala yun ng panahon hanggang inilabas niya na ang full force niya. Umulan ng sobrang lakas!!!!! Basa na pantalon ko. As in basa na talaga. Lagi kasi akong sa Backride. Pagbaba ko sa may sa amin baha hanggang tuhod sa may eskinita No Choice na ako. Lumusong na ako sa baha at di ko na din naisip na tanggalin muna yung sapatos ko. Basta lusong ako sa baha basa ang t-shirt, bag, pantalon, buhok at brief. Nakarating din ako sa bahay.

Sabay hinto ng ulan. MADERPAKER.

READMORE
 

Araneta Dreams.

Okay, first things first. Bakit ko simulat to? To tell you frankly, nakita ko ang post ni Mike Swift na composition na Araneta Dreams at pipiliin kung anung pinaka-magandang composition.

Simulan ko na, wala ng pakesyo-kesyo pa.

---

Unang una, sa simula hindi ko alam kung anu bang composition ang tinutukoy ni Mike Swift. Article ba ? o baka naman kanta. Pero nakita ko yung nakasulat na "One page composition" malamang sulat nga.

Hindi ako magpapaka-humble na sabihin na ginagawa ko 'to para sa sa "Big package" na prize na sinasabi. Pero ginawa ko 'to para mapansin at magpa-pansin.

Oo, rapper ako. Wala pa akong naii-record na kanta pero marami na akong naisulat. Nakasali na din ako sa Fliptop Process of Illumination II ngunit hindi pinalad manalo. Kaya eto na lang ang "ata" ang pagasa ko para mapansin ng tao.

Ano ba sa akin ang "Araneta Dream" ni Mike Swift na mapuno niya ito. Eto pangarap kong makatapak sa entablado na ganong kalaki. Pangarap kong humawak ng mikroponono sa harap ng ganong karaming tao. Pangarap kong ipagmalaki ng magulang ko sa ginagawa ko. Ayan para sa akin ang Araneta Dream ni Mike Swift.

Malaking tiyansa nga ito para sa mga Hiphop luma man o bago para makabangon sa tingin ng lipunan sa kanila. Magsi-simula 'to ng bagong yugto sa kulturang kinalakihan ko. At higit sa lahat, isa 'tong pagtupad sa isang imposibleng pangarap.

Kung sasabihin mo'ng sumisipsip lang ako sa mga pinagsu-sulat ko. Mali ka. Pero malaya kang isipin ang gusto mong isipin."This is my way to get notice" ika nga. Kanya-kanya tayong mga paraan upang mapansin at abutin ang ating pangarap, walang magkatulad. Lahat iba-iba.

In conclusion, ang "Araneta Dreams" para sa akin ay katuparan ng isang pangarap.

At anu ba ang susunod na gagawin nila Mike Swift, J-hon at lahat ng kasamahan nila? Hindi ko din alam. Pero kung anu man yun I am 101% sure that they're making another HISTORY. Isang alamat na tata-tak ng mahabang panahon.

Yan lang ayoko ng pahabain pa 'to. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi na ako magdadag-dag ng kung anu-ano pang katangahan.

Hindi ko hangad mapanalunan ang "Big Package" na sinasabi nila. Ang gusto ko tumapak sa sahig ng Araneta at saksihan ang isa sa pinakamalaking katuparan ng pangarap. Kung papalarin gusto ko ring Humawak ng mikropono sa araw na iyon at ipakita sa tao kung ano ako at kung paano ko naabot ang pangarap ko sa sarili kong paraan.

- Paul Vincent Evangelista aka Kraze E.


READMORE
 

Insert Title Here

*Insert Title Here*


Matapos ang matagal na pamamahinga sa pagsusulat, nagbabalik na ako.
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapagsulat? Katamaran? Hindi. PROCRASTINATION ang dahilan kung bakit di ako nakakapagsulat.
Kung 15y/o ka na pataas at di mo alam ang ibig sabihin ng “procrastination”, marapat lang siguro itigil-tigil mo muna ang pagdo-dota o kaya tetris at making ka sa guro mo sa English ng maigi para hindi kita nasasabihan ng TANGA.

At kung alam mo naman ngunit nagtataka ka kung bakit nagging dahilan to ng hindi ko pagsusulat, eh marapat mo rin basahin ang pabasa ng MgaEpal.com tungkol sa procrastination. Oo, alam ko masama ang pagliban ng mga gawaing nasimulan muna o hindi talaga pag-gawa nito, ngunit may exemption kung wala ka sa mood o wala ka ring gana magsulat dahil pangit din ang kakalabasan nito.PEro wag mong idahilan ito sa iba na kaya bakit wala kang ginagawa eh dahil pangit ang kakalabasan nito.

Kung nagbabasa ka ng mga pabasa ko, nabanggit ko sa isang article ko na maswerte ang taong kayang magpalabas ng “artistic juices” nila. At sinabi ko rin dun na hindi ako isa sa kanila, dahil morning juices lang kaya kong palabasin.

Alam kong nauutot ka na dahil gusto mo ng basahin ang nilalaman nito, kaya hala sige simulan na natin.

Oh anu hand aka na ba? Tara, game!

------------------

Perstaym kong magsulat ng isang article na walang siguradong title, dahil sabi ko nga sa mga huli kong pinagsusulat, laging nasa title ang paroronan ng mga sinusulat ko. Pero ibahin mo to, walang title bahala kayo magisip ng gusto niyong title pwedeng “Betlog ni Bronson”, “Tinapay ni Aling Puday” o kaya “Mani ni Cecille”. Wag kang green, walang ibig sabihin yang mga yan.
Dahil nga walang title, i-expect mo na magiging magulo to, walang patutunguhan at walng katuturan. So fasten your seatbelts.

Paano ko ba sisimulan?
Gobyerno ba? Ayoko nakakasawa.
Pagibig? Nagiging malandi na ako.
Nakakatawa? Hindi naman ako komedyante.
Kabobohan? Oh ayun ayos, bago.

Part 1: Ang kabobohan


Maraming nagsasasbing kabobohan daw ang luamlalang sakit ng lipunan. Malamang nga siguro. Sabi naman ng bibliya, wala daw bobong tao ang ginawa ng diyos. Bakit yung tindera sa carinderia? Kaya anu nga ba talaga ang kabobohan.

-Kung pumapasok ka sa eskwelahan at nakikinig ka naman ng maayos ngunit parang wala talagang pumapasok sa isip mo, hindi ka bobo sadyang mahina ka lang talaga pumick-up kaya magaral ka pa ng mabuti.

-Kung may utak ka naman at mabilis kang makaintindi ng mga leksyon ng guro pero hindi ka nakikinig at kung anu-anong inaatupag mo habang nagle-lesson, bobo ka.

-Kung tinanong ka ng kaibigan mo ng isang bagay pero di mo alam ang sagot at sinabi mo naman sa kanya na hindi mo alam at nanghula ka naman, hindi ka bobo sadyang may mga bagay ka lang na hindi tukoy.

-Kung tinanong ka naman ng kaibigan mo at hindi mo alam ang sagot pero sinasabi mong “Alam ko yan eh, nasa dulo ng dila ko” at ayaw mong tanggapin na hindi mo alam, lumapit ka sa akin at hihilain ko yang dulo ng dila mo sabay bubulangan kita ng “bobo ka”.

-Kung hindi ka mayaman at hindi ka umaasenso sa buhay pero nagsusumikap ka naman, hindi ka bobo. Sadyang minamalas ka lang talaga at di mo katabi ang swerte. Magsumikap ka pa lalo.

-Kung mayaman ka naman, ngunit ginagasta mo ang pera mo sa walang kwentang mga bagay na hindi mo naman kailangan tulad ng bagong labas ngayon na “Aypown por es" para lang masabihang cool at trendy ka, eh lumapit ka sa akin at isasampal ko sayo yang aypown mo sabay sigaw ng bobo ka.

-Pero ang mahirap pa ditto eh yung, mahirap ka na nga, di ka na nga umaasenso, hindi ka pa nagsusumikap at gasta ka pa ng gasta sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagbunot sa nagtutulak ng kariton na may lamang itik, wag kang magalala hindi ka bobo, isa ka lang malaking salot sa lipunan. Tanga.

Pero, paano ba lalabanan ang kabobohan? Madali lang yan, gamitin mo yang malaking itlog na nakapatong sa balikat mo at magisip ka muna kung tama ba ang ginagawa mo. Hindi yan palamuti para lagyan ng kung anik-anik na makeup, hair-gel, foundation at pulbo dahil bobo ka kung yan lang ang silbi ng ulo mo. Kung di mo na ginagamit, lumapit ka sa akin may alam akong pag-gagamitan niyang ulo mo bilang “Punching bag”.

Kaya karamihan ng mga kongresista gusto kong lumapit sa akin, para gawing punching bag ang mga ulo nila.


-----

Malaking kaaway ko kapag sinuslat ko ang mga article ko ay ang “Auto-correct function” nitong MS WORD kaya gusto ko ng magpalit ng MR WORD. Nye, corny.

Naasar ako kasi kapag nagsusulat ako lagi niyang kino-correct tulad ng dito nagiging ditto. At marami pang iba nakakaasar lang. Isa pa kung bakit ako naasar, hindi ko alam paano i-off yang function na yan letse. Kaya kung may makakapagsabi man sa akin paano i-off ito ipagbigay alam niyo lang agad sa mga awtoridad upang mabigyan agad ng mabilis aksyon. Pero wag ka sa pulis ng maynila tumawag. Sa 911 ka tumawag sa America dahil makupad ang mga pulis dito nagpapalaki lang sila ng tiyan habang nangho-holdap ng walang kasalanang motorist sa daan. Asshole.

Leche, ang init sa Pinas. Ang sarap mangimbansa-bansa, summer na nga siguro. Ramdam ko na ang summer.

Part 2: Summer


Kapag tinanong kita kung ano ang summer, ano ang unang papasok sa isip mo? Maraming sagot tulad ng Mainit, Swimming Pool, Beaches, Bakasyon at kay Jason Carolino daw eh inuman magdamag. Pero kung ako ang tatanungin mo, ano nga ba sa akin ang summer? Isa lang sagot ko sayo, Torture.

Hindi kasi mahilig mag out-of-town ang pamilya ko, stay home family kami kapag summer kung aalis man kami, madalang lang talaga. Kaya isipin mo, mainit na panahon, bakasyon, walang ginagawa, boring anong pakiramdam? Torture di ba? Wag ka nang kumontra.

Pero yung totoo, astig ang summer. Panahon ito para magpunta sa mga beach, panahon ng bakasyon, panahon ng halo-halo, gulaman, saging con yelo, ice drop at panahon ng mga babaeng naka-bikini. Kaya ayos sa allright.

Maraming pwedeng tambayan kapag summer, pwedeng sa mall kasi aircon, pwede rin sa sinehan malamig din dito. Pero kung nagre-reklamo ka dahil sumasakit ang paa mo kapag pumupunta kang mall o kaya wala kang pera pang-sine. Tumambay ka sa bangko.

Oo, sa bangko. Bakit? Malakas na aircon, reading materials, friendly-crew at malambot na mga upuan. Araw-araw ka pumunta dito, siguradong di ka lugi dito. Pero ingat wag kang uupo sa parehas na upuan araw-araw, magpalit-palit ka dapat ng upuan every thirty minutes para hindi ka mag-tamper sa security cam. Sa hulian ka rin pati dapat lagi umupo, para di maka-abala sa mga customer ng bangko. Pero kapag nahalata ka na, relax ka lang marami pang ibang bangko sa bansa. Maganda din sa Meralco branches, may cable T.V pa. (Disclaimers: wag niyo lang akong ibubuko kapag nahuli kayo at tanungin kung sino nagutos sa inyo na tumabay sa mga ganitong lugar, kaibigan niyo ako).

Kung sa sarap lang naman tumabay ang paguusapan, walang tatalo sa mga beach. Bakit? Magandang dagat, pinong buhangin, mga puno ng buko, mga nakangiting bangkero, malamig na gabi at mga babaeng naka-bikini.  Sinasabi sa statistics na sa Sampung lalaki, walo dito ang pumunta sa beach eh para makakita lang ng babaeng naka-bikini, lima sa walong ito ang talagang babae lang,tatlo sa limang ito ang may inaalalang girlfriend at isa sa tatlong ito ay ako. Inshort, pumupunta ako sa beach para makakita ng babaeng naka-bikini at babae lang talaga ngunit may minamahal na inaalala.

Punta kayong Boracay, para maintindihan niyo ako.

Erning: Saan pumupunta ang tao kapag summer?
Pedro: Sa Labas!
Erning: Mali! Nagsisimula ito sa letter b! pumupunta sila dito para maligo.
Pedro: Banyo!
Erning: Mali! Pumupunta din sila dito para mainitan.
Pedro: Bubong!
Erning: Gago! May mga babae ditong naka-bikini.
Pedro: Beerhouse!
Erning: Suntukan na lang!

-------

Kung susumahin natin, ito na ata ang pinakamahaba kong pabasa, yung iba eh hindi na to binasa nagatpos siguro sila sa kabobohan, at dahil nga walang pinatutunguhan eh baka tinamad na magbasa at nag-tetris na lang. kung umabot ka dito,congrats bayaw, ituring mo itong pinakaswerteng araw mo dahil makakakuha ka sa akin ng free prize! Paano i-redeem? Just type: 09496797045<space>30 and send to 808. Smart subscribers lang mga tropa. Kung nai-send mo na, anatyin mo na lang yung notification message at magugulat ka sa napanalunan mo! Di kita binibiro, totoo to! So anu pang iniintay mo? Text na!

Pwede na siguro ako mag-advertise ng mga bagay-bagay. Susubukan ko.

Part 4: Advertising


Para malusog si baby, uminom ng promil habang siya ay nasa tummy!”

Downy isang babad! Isang babad lang, tanggal ang sabon sa labada”

Ganyan ang mga karaniwan mong makikitang advertising ng kung anu-anong produkto ngayon, depende sa trip mo at mapapansin mo ding dapat isang banlaw lang yun. Yan ang advertising gagawin ang lahat makakuha lang ng atensyon ng mga mamimili. Kung di mo ako naiintindihan eh basahin mo ang mga sumunod na talata sa baba.

Ang mga advertising companies ang nagde-decide kung anung skit ang gagawin nila, kailangan yung astig, yung wala pang gumagaya depende pa rin naman sa produkto ng kliyente nila. Kung ako tatanungin mo ang pinaka-magandang commercial na napanuod ko na walang kagaya eh yung commercial ng “Family Rubbing Alcohol” na sa sobrang unique eh wala ng sumubok gumaya pa dahil sabi “Di lang pang-pamilya, pang-isports pa!”

At naaalala niyo ba yung commercial nung McDo? Yung dalawang bata? Yung demanding? Kung di mo alam eh hindi ka madalas sa T.V. hindi na rin kasi nae-ere ito dahil ibinan to ng CBCP, samahang matitibay ang itlog na akala mo mga presidente. “Senate Wannabe”. Binan nila ito dahil inappropriate daw para sa mga bata dahil bata pa lang daw eh boyfriend/girlfriend na ang iniisip pero sabi naman nung babae McFries lang naman daw ang gusto niya eh, kaya bakit niyo siya ibinan?

Pero may point naman ang Samahang Matitigas ang Itlog, bata pa nga sila para isipin ang mga ganun-ganun dahil mas maganda kung mapapanatili natin nag kainosentihan ng mga bata sa ating lipunan mas ayos yun, sana na lang din iniba nila yung skit parang ganito:

Batang Babae: Bestfriend mo na ba ako?
Batang lalaki: hindi ah! Masyadong madrama ang mga bestfriend, problema dito, problema jan, iyak dito ah ewan!
Babae: *slow and cute voice* Eh Hashbrown Burger lang naman sa Jollibee ang gusto ko eh.
Lalaki: Eh akala ko ba Mcdo tong ini-endorse natin?
Babae: Ewan ko ba jan kay Paul, kung anu-ano nanamang sinusulat.
Lalaki: Tara nga! Bili tayo!
*at naglakad sila ng magkaakbay papuntang KFC at bumalik na may dalang shake ng Zagu*

Ayan, kung binago sana nila eh di triple-ad pa ang nangyari. Tsk tsk.

Ayoko ng pahabain to dahil masyado ng mahaba may kasunod pa naman.

“Sulating ninja ni Paul Evangelista, if you order now you will get one free, yes, you heard it right FREE one piece of Intermediate pad. But wait! There’s more! If you call for the first ten minutes you will get nothing! Yes, NOTHING! So call now at Bantay Bata 163 and look for Melvin pasabi nahanap ko na tatay niya”

-------

Ayoko ng pahabain pa ito, kaya ito na.

Part 5: Pagi-intindi/Ending


Ending tapos na.may mga huling salita lang ako na gustong sabihin.

Kung initindi mo talaga to, eh hindi ka na magatataka kung bakit walang pinatutunguhan tong mga sinusulat ko, nakita mong mali yung isang ad na isang babad at walang Part 3 itong pabasa ko na ito.Ops! wag mo nang tangkain i-check kung wala nga, dahil wala talaga maniwala ka kasi sa akin.
Kaya eto, diyan nanaman nagtatapos ang isang mahabangwalang kabuluhang pagbasa ng pabasang ito. Sana ay nagustuhan niyo, kung hindi wala akong pakielam bahala ka sa buhay mo.

Anu? Nakaisip kana ngmgandang Title? Lagay mo sa Comment box!
READMORE
 

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.