Mahirap ma-gets

“Hindi kita ma-gets”

Bago ang lahat, pinasa-salamatan ko ang taong to sa pagbi-bigay ng ideyang ‘to bilang article. Kaya, salamat! Kilala mo na kung sino ka. Atsaka nga pala, sa taong nag-bigay ng ideyang ito. I Love You.

--------------

Okay, tapos na ang commercial simulan na ang bakbakan. Pero hindi comedy show ni Dolphy o Action movie ni Da king o isang nakaka-buryong na MTV ni Justin Bieber. Tungkol ‘to sa mga “Unpredictable” na tao, yung uri ng taong mahirap ma-gets o i-grind sa utak.

Unpredictable? Hmm…

Naka-experience ka na ba ng taong ganito? Yung mahirap hulihin yung kiliti, mahirap kunin ang timpla yung mahirap i-gets? Kung tatanungin mo ako. Oo, kasama ko pa siya araw-araw.

Sabi ng mga eksperto na tatawagin kong si Wikipedia, ang mga taong ganito daw ay nakakaranas ng “Borderline Personality Disorder”. Sila yung mga taong madaling mag-shift ng mood, unstable, fluctuating image (Intindihin mo, medyo di ko rin ma-gets). Meron din silang unpredictable and self-destructive actions na tipikal daw na makikita sa mga kababaihan.

Magda-dalawang taon ko ng kasama yung taong kilala ko na may ganito. Masayahin siya, maganda, balingkinitan ang katawan, may brown na mata, mahaba ang buhok, kayumanggi at, at, at naalala kong di pala diary ‘tong sinusulat ko kaya titigilan ko na ang papuri sa kanya bago ka pa mapasabi na “Anung kuneksyon ng pagiging maganda niya dito?” at bigla mo na lang ‘tong hindi basahin. (Pero maganda talaga siya, mga napaka-gandang niyang mga ngiti…………….)

Ok, back to the topic.

So ayun, di naman mahirap pakisamahan yung mga ganitong tao. Minsan kailangan mo lang talaga ng tatawagin nating “Understanding” na bihira na ata ngayon pero mabibili mo sa suking tindahan yang understanding na yan, tres lang. (Abnoy ka kung pumunta ka sa tindahan at magtanong: “Ate may understanding kayo?”)


Malawak na pang-unawa ang dapat nating ibigay sa taong ganito, kasi TOTOO, mahirap talaga hulaan kung anu ng mood niya o anu kaya susunod niyang gagawin kaya mahihirapan kayong talunin yung mga ganitong tao kapag kalaban niyo sa Poker kasi hindi mo alam ang next-move nila. Bibigyan ko kayo ng example:

Tonyo: Delfin, laro tayo.
Delfin: Oh tara sige!
(makalipas maglaro)
Tonyo: Ang galing mo naman natalo mo nanaman ako!
Delfin: Kdot.
Tonyo: Sungit mo!
Delfin: WHATEVER!!
(makalipas ang 35mins)
Delfin: Tara! Kiss tayo !

(bigla akong napasabi ng “Huh?” sa ginawa kong strip ng usapan na ito)

So bale ganun na nga, pang-unawa lang mga bayaw. Lawakan niyo ang pang-unawa at understanding niyo. Dahil kailangan nila tayong may malaking pang-unawa para unawain silang nakakarananas ng ganitong disorder. Wag sana kayong mainis at bigla ka na lang mapasabi ng “Ang gulo mo! Di na kita maintindihan” dahil ito ay makaka-sakit sa kanila pero di mo ito mahahalata.

Sabi nga ng nanay ko,”mahalin mo ang mga taong nangagailangan ng pagmamahal”.  At sana wag gawing dahilan itong quote na sabi ng nanay ko ng mga babaero. Kilala ko kayo.

“The more you learn about personality disorders the more you will understand that they are illnesses, with causes. People can improve with proper care. By seeking out information you can recognize the signs and symptoms of a personality disorder and help yourself or someone you know live a healthier more fulfilling life”.

So mga bayaw at mga hipag, sana may natutunan kayo dito sa munti kong sinulat na wala nanamang katuturan sa buhay niyo dahil nagpapa-epal nanaman ako.

Moral Lesson:  Huwag yayain mag-laro ang lalaking mong kaibigan na may Borderline Personality Disorder dahil baka yayain ka bigla mag-kiss at masuntok mo bigla.


Author’s Note:
Masarap ka-relasyon ang ganito kung may pang-unawa ka dahil hindi sila nakaka-sawa. PROMISE. Kahit na biglang nagshi-shift ang mood nila. Sana na-gets mo ang punto ko dito. I love you ulit sa nagbigay ng ideyang to :*


                                                                   If symptoms persist INSULT your doctor

Penulis : Paul Vincent Evangelista ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Mahirap ma-gets ini dipublish oleh Paul Vincent Evangelista pada hari Linggo, Enero 8, 2012. Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Mahirap ma-gets
 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.