Finally! After 48 long years na kakaintay ng fans ko (meron
ba talga?) nakapagsulat na ulit ko! YEY!
Anu hand aka na bas a patikim ko ngayon? Oh, tara lets game!
----------
Mga dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nung huling
beses akong magsulat ng article. Ewan ko, masyado kasi akong habol ng habol sa
oras, lagi akong nagmamadali. Kapag naman may oras ako tinatamad akong gumawa.
Out of the blue lang kung bakit ko naisipan ulit magsulat.
Ngayon pang ala-una ng madaling araw at kasagsagan pa ng Midterm Exams. Ang una
kong ideya ang isulat ang buhay ko ngayon kolehiyo na ako.
1.7 kilometers na byahe sa Tricycle, 3.9 kilometers na sakay
sa jeep at walong istasyon ng LRT ang tinatahak ko araw-araw para makapunta ng
eskwelahan ko. Alas-kwatro gising na ako at aalis ng alas-singko. 7am kasi ang
klase ko, hindi pwedeng ma-late. Yan ang sumalubong sa 74kg/s ko na katawan.
Yan ang kolehiyo. Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganyan. Dala ko pa nga rin
siguro ang pagka-hayskul ko. Noon kasi 7am din ang pasok ko pero dahil
isa’t-kalahating dougie lang ang layo ng school ko sa bahay ay 7am na din ako
umaalis.
Astig ako nung hayskul dahil na rin siguro Corps Commander
ako ng CAT namin noon, nakapagpatalsik ako ng dalawang bading na guro sa
eskwelahan namin. Astig ako, yun ang tingin ko sa sarili ko. Hindi na pwede
ngayon sa college ang mga katarantaduhan ko nun, wala na rin kasi yung mga
kaibigan kong tatlong taon kong kasama sa pamba-balasubas. Iba na ang aura ng
taong nasa paligid mo. Kailangan mong makibagay at makisama. Bagong
surroundings, alam ko hindi ito ang “natural habitat” ko.
Di na rin ako nakakapagsulat dahil sa pesteng college. Kahit
wala akong hinahabol eh di ko magawang hanapan ng freetime ang sarili ko.
Andami kong mga ideya sa mga bagong proyektong gagawin ko, andami kong mga
hindi tapos na article na nagmistulang mga drafts na lang. Hindi na rin ako
makapagsulata ng kanta karamihan sa kanila title lang at dalawang linya ang
natapos ko. Para ko laging hinahabol ng oras at pakiramdam ko ay nalilipasan na
ako.
Kapag dumadating ako sa bahay diretso na sa kama pagod sa
biyahe wala ng kain kain, ang nalalabing oras eh kulang pa para sa mga
homeworks na parang project ang haba. “Life is a matter of choice” yan ang
laging inu-ulit ng adviser ko sa amin nung fourth year high school ako. Kung
anung magiging desisyon ko ngayon eh tatak sa kinabukasan ko. Kaya sa araw-araw
mas pinipili kong matulog ng maaga kesa gumawa ng assignments. Bahala na si
Wonderman. Yan ang buhay ko ngayon. Ibang-iba kung anu ako noon. Tanggap ko na.
Hindi ko lang ma-appreciate.
Kalaban ko ang oras araw-araw, lagi ko ‘tong hinahabol. Lagi
naman niya akong iniiwanan. Paminsan niya rin akong pinagbibigyan, pero
sinasayang ko lang sa walang kabuluhang bagay. Partida pa, FIRST YEAR COLLEGE
LANG AKO. Bakit ako nagcra-cram? Ewan ko. Bakit ako napre-pressure? Ewan ko.
Sadya lang sigurong inatake na ako ng katamaran. Hindi ko na nga kayang gawing
“witty and funny” yung mga sinu-sulat ko dahil kailangan ko na ‘tong matapos.
Madalian lang kumabaga, parang reporter na 30mins before deadline.
Hindi ko na magawa ang mga gusto kong gawin. Imbis na
nagsu-sulat ako ng mga articles ko para sa Fans Club ko eh Technical Report sa
Inorganic Chemistry ang ginagawa ko. Pasesnsya
na kung seryoso ‘tong pulitizer ko ngayon. Hindi ko na mailabas ang kati ng
utak ko. Andami kong gustong isulat mas maganda pa kesa dito pero pag harap ko
sa screen ng Laptop ko bigla akong mabla-blanko. Ni hindi ko na nga rin ma-edit
yung mga typographical error nito. Pasensya na mga ka-ninja. Hanggang dito na
lang muna, pangako sa sususnod na entry ko balik tayo sa “dating ako”. May Exam
pa ako bukas. Nalipasan nanaman ako.
Ang cool! Artist ka talaga Paul :DD
TumugonBurahinHahaha! Salamat ka-ninjang ennovy! Kung sino ka man, maraming-maraming salamat sa iyo!
TumugonBurahin