VALEDICTORY ADDRESS KUNO


Magtatapos na ang taon, gra-graduate na.

Ito na ang huling article ko para sa mga kaklasend baliw-baliw. Ito dapat and Valedictory Address ko kung ako yung Valedictorian o kaya Salutatorian pero hindi eh. Under-achiever ako, ayoko yung nagcra-cram ako. Kaya siguro ako hindi nagging Valedictorian pero pinaghahawakan ko kasi ang pagiging Top 9 ko.

Pwede kang lumuha habng binabasa mo, gusto kong maging parang montage itong article na ito, yung nagfla-flashback lahat ng alalala natin nung nagsisimula pa lang tayo hanggang matapos na tayo. Kaya gusto kong pakinggan mo ang “Kanlungan” ni Noel Cabangon bago ka magsimula basahin ‘to,

Mga minamahal kong kaklase, handa na ba kayo sa huling katangahan ‘to? Maglagay ka nan g tissue sa tabi mo. Game na :(

I-play mo na yung Kanlungan ni Noel Cabangon bago ka magpatuloy magbasa.
----------

Mga minamahal kong mga kamagaral, kaklase, katropa, kaibigan, kasama sa tawanan, problema at anumang hirap na napagdaanan natin. Sa ilang sandali na lang mapapawi na ang pagod at hirap natin. Apat na taon tayong naglabas-masok sa Paaralang ito, yung iba dalawa lang o isa. Pero hindi matatawaran ng kahit ilang taon pa yan ang mga ala-alang iiwan natin sa isa’t-isa.

Naaalala niyo pa ba noong una tayong humakbang sa Highschool natin? Yung iba sa atin masaya at excited yung iba naman eh kabado. Bagong buhay, bagong mga patakaran at bagong kalalkaran ang ating mararanasan. Pero ngayon tatanungin ko kayo, anung nararamdaman niyo na ngayon ay lumaki na kayo, hindi na kayo si Neneng at si Totoy na bata-bata pagkat ngayon hahakbang nanaman tayo sa isa pang bahagi ng ating buhay para maabot natin ang ating mga pangarap. Ang Kolehiyo. Yung iba excited, yung iba ayaw pa matapos ‘to, iba nalulungkot at yung iba masaya dahil nakasurvive na sila sa gubat na ito. Wag kayong magalala magbago man ang lahat, magabago ang paligid, ang kalakaran at ang mga taong nakaplaibot sa iyo, HINDI NA MAWAWALA ANG MASASAYANG ALA-ALA na NAITATAK NA SA MGA UTAK NATIN.

Sa pasukan, iba sa atin ay iiba na ang landas. Mawawala na ang asaran sa pasukan ang kulitan at harutan ant kwentuhan kung kamusta ang bakasyon niyo. Wala na ang mga kilala nating mukha na sasalubungin tayo ng mga mukhang nakangiti. Wala na ang mga dating tropa na papasok na alng kapag regular classes na at sasama pa rin.
Wala ng Sir Rico na hihirit ng corny na joke. Wala ng Maam Ella na magpapaluto sa’yo. Wala ng Maam Meanne na magpapasakit ng ulo mo dahil sa numero. At wala ng Sir Julius na magpapasakit ng ulo mo sa mga Schematic at General Framework. Wala na.
Wala na yung mga kaibigan na kasama lagi sa asaran, tawanan, problema at iyakan.

Wala na yung mga nakakiritang tawa, wala na yung mga nakakairitang ingay. Wala na rin ang magulo at mainit na classroom. Mainit man at nakakirita, mga nagdaang ala-ala  naman ay kay saya.

Nagdadaan ang panahon, lumilipas ang oras, umiikot ang mundo. Tanging ala-ala lamang ang mananatiling bagay na hindi magbabago. Kaya hangga’t maari, gawin niyong kayaman ang mga ito at wag hayaan na mawala sa inyo. Pagkat nalagpasan na natin ang unang pagsubok na ito ng sama-sama.

Kaya mga kamag-aral, kaklase, kaibigan o mas maganda na ngayon ay mga Kapatid, naging bahagi tayo ng buhay ng bawa’t isa sa atin. Kung paano niyo nilagpasan ito, malalagpasan din natin ang mga susunod na kabanata ng buhay na atin. Pero sa ngayon, dito nagtatapos ang isa nanamang pahina ng buhay natin wag ka magalala, pwede mo pa naman balikan ang pahinang ito upang alalahanin. Ang isang magandang pahina na binuo ng Tawanan, Asaran at Magagandang Ala-ala. Ngayon, kailangan na nating magpatuloy sa isang bagong blanking pahina ng buhay. Blanko dahil pupunan natin ulit ito ng mas magndang ala-ala, mas malalakas na tawanan, at sa pahinang ito dito muna sinusubukan abutin ang mga pangarap mo. Mga pangarap na akala natin dati ay hindi natin maabot.

Kaya sa inyo, salamat at nagging bahagi kayo ng isang napakagandang kabanata. Isang kwentong mas astig pa sa Twilight, Mas magaling pa kay Bruce Lee at mas malala pa sa pagiging Immortal. Katulad nga ng sinabi ko dati, napatunayan kong hindi natin kailangan ng maraming activities para gawing memorable ang huling taon natin. Pagka’t ang araw-araw natin ay isang magandang lakbay ng buhay na kahit kalian hindi kayang tumbasan ng kahit sinuman.

Salamat sa aming mga nagging guro. Na nagturo sa amin ng mga bagay na noon ay hindi naming alam, at ang pagpunan ng mga kaalaman ang utak naming. Mas nagpapasalamat kami sa aming minamahal na guro na si Ginoong Gumop-As, na hindi lang pinuno ang utak naming ngunit pati ang mga puso naming. Pinuno niya ng mga pangaral at iba pang bagay na makakatulong sa amin sa buhay. Ang paghikayat sa amin na wag sumuko, wag kang hihinto na kalaban naming ang oras kaya kailangan maunahannamin ito. Sa guro naming ito, maraming maraming salamat.

Mag kaibigan, Salamat.

Penulis : Paul Vincent Evangelista ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel VALEDICTORY ADDRESS KUNO ini dipublish oleh Paul Vincent Evangelista pada hari Miyerkules, Hunyo 6, 2012. Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan VALEDICTORY ADDRESS KUNO
 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.