Sunday Batugan Fever

Tigang na nanaman ako dito sa bahay. Alas-onse ‘medya na nung magising ako, walang tao si erpat lang umalis si ermat nag-outing kasama ang kanayang mga ka-dabarkads nung highschool. Wala na akong magawa natapos ko na ang binabasa kong libro ng halos isa’t-kalahating araw. ‘Di rin ata makakapunta si Special Someone para tapusin ang PPT presentation namin.

Timpla muna ng kape. Bukas ng kaldero, ayun! Sakto may kanin. Tingin ng ulam, walang makita. Bukas ng Ref, Walang laman. Puro tubig, yelo at alamang na nakalagay sa Tupperware. Medyo naglakad-lakad sa loob ng bahay, nan-dekwat pa ako ng isang stick na sigarilyo kay erpat.

Umupo saglit, habang inaantay kumulo ang tubig, bigla akong napatitig sa sigarilyo. Sino kayang imbentor ang makaka-imbento ng sigarilyong walang usok? Yung tipong nagbabaga kapag sinindihan, nau-ubos at lumiliit kapag hinithit mo ngunit walang usok na lalabas. Yung tipong sigarilyo na katawan mo lang ang tatanggap ng masamang epekto nito at wala ng ibang tao madadamay pa. Ayos siguro yun, kahit saan pwede kang manigarilyo. Wala ng sisita sa’yo at huhuli na Buwaya na nakasuot nng kulay Blue minsan naman Dilaw. Kasi nagpatupad ang pamahalaan na gawing Smoke-Free ang mga pampulikong lugar. Sa una, ayos! Mawawala na yung mga hinayupak na papaso sa akin sa paglalakadsa mga siksikang lugar pero nakangiti ang mga crocs na kulay blue o paminsan ay dilaw, nakahanap nanaman sila ng bagong pagkakakitaan. Hindi totoo yung pagco-community service ka ng mga crocs, ginagawa lang nila yun kapag may Media.  Ang totoo niyan, kikilan ka nila dahil alam nilang busyka at may dapat ka pang puntahan. Astig sa pagiisip, ginamit nilang advantage ang pagka-busy ng mga pesteng naninigarilyo sa pampublikong lugar may bago nanaman pagkukunan ang mga crocs na pananghalian.

Pero kung talgang gusto nilang gawing “Smoke-Free”, dapat siguro isama na nila sa kampanya nila ang mga burikot na maiitim na usok na nangga-galing sa mga Jeep, Bus, Tricycle, Motor, Kulilglig at pedicab. Pero bagong pagkakakitaan nanaman yan ng mga crocs. Dahil naganyan na din kami, pinatabi yung sasakyan namin at kinikilan kami ng Lacoste na kulay dilaw, sabi SMOKE BELCHING daw pero hinayaan na namin, abot na lang kami dahil may pupuntahan at nagmamadali din kami.

Ayos, kumukulo na ang tubig, salin muna ‘to sa tasa na may lamang isang kutasaritang kape, Isa’t kalahating kutsara ng creamer at isang kutsarang asukal na pula (kahit brown talga ang kulay nito). Isa pa ang asukal, kamusta na kaya ang mga “azucarrera” na pinagkukunan natin nito? Naipamahagi na kaya ang mga lupain sa mga magsasaka? Pero ayoko nang ituloy ang kwento ukol dito baka sabihin niyo naman na Aktibista ako. Oo, aktibista ako pero hindi ako yung merong “Makibaka Syndrome” na lagi mong makikita na nakatayo sa mga Picket-Line sa kahabaan ng EDSA o kaya sa Mendiola. Ayoko ring mag-planking sa gitna ng daan dahil sa dalawang dahilan; Una, ayokong makisali sa mga ganun dahil mainit at wala naman akong mabe-benefit na maganda sa ganun pero hindi yun nangangahulugang hindi ako sang-ayon sa pinaglalaban nila. Pangalawa, mataba ako baka pagkamalan lang akong Litson kapag namula ako sa kainitan ng araw at naka-planking pa ako, ayoko yatang matuhugan ng kawayas sa pwet.

Sarap ng kape, bagay na bagay sa malamig at umuulang panahon. Hindi ko alam sa inyo, pero gustong-gusto ko ang umuulan kapag araw ng lingo kanya-kanyang trip yan sarap kaya humilata kapag linggoTinignan ang cellphone kong pangkalso sa umuugang lamesa. Hindi pa nagtetext si Special Someone, busy pa siguro hindi ko na muna iistorbohin. Bukas muna ako ng TV habang humihigop ng kape. Uy, interesanteng palabas naalala ko tuloy yung sinulat ni Eros Atalia sa libro niya tungkol din sa mga lider ng religious groups. Sarap pakinggan ng pangu-uto niya, este talumpati niya sa kanyang mga tagasunod.

“Mga kapatid,wag kayong mawalan ng pagasa. Ganyan talaga ang gulong ng palad. Lahat ng panahon ay takda ng langit. Sa mga darating na panahon kayong mga sawim-palad ay tutulungan ng mga bukas-palad. Kung hindi man, may itinakda ang maykapal sa inyo dahil yan ay naka-guhit na sa inyong palad”

Pause. Bakit ba trip na trip pagdiskitahan nito ni Brother Savior ang ating palad? May Palm-Fetish na rin ba ngayon? (Attracted o nalilibugan sa palad) wala akong narinig sa pangu-uto niya este, speech niya kundi puro palad. Isa lang naman kasi ang gusto niyang palabasin, tulad ng sabi ni Atalia sa libro niya; “Mga mapapalad na bukas-palad sa mga kapos-palad”. Ituloy natin ang pangu-uto este, speech ni Brother Savior.

“Mapapalad kayong mga inaapi, mga nagugutom, mga naghihirap dahil kayo ang magmamana ng buhay na walang-hanggan dahil ito’y guhit na ng inyong palad, pasalamatan na lang natin ang maykapal at tayo’y maghintay sa kanyang grasya”

Pause ulit. Dapat din siguro magpaapi na ako, hindi na ako kumain, magpagutom, maghirap dahil makakamtan ko daw ang buhay na walang hanggan’. Kaya siguro walang unlad ang kanyang mga tagasunod, dahil umaasa sila sa buhay na walang hanggan, nananampalataya lang sila pero hindi sila gumagawa ng ika-uunlad nila. Dasal sila ng dasal, pero hindi makapagtrabaho dahil inaasa lahat sa langit. Kung ako kay Brother Savior uulit-ulitin ko sa mga taong ito ang mga linya na “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.  Pero wala akong magagawa sabi niya eh, sundin niyo na lang para sama-sama kayong magutom, pumayat at mamatay ng dilat upang makamtan ang buhay na walang hanggan! AMEN !

Lipat ng channel, walang magandang palabas sa TV. Puro paloob (Nyeee, corny). Patayin na nga muna itong TV saying lang sa kuryente wala na din kasi akong interes sa mga action-film na gawang pinoy ngayon dahil nakakatawa ito dahil sa mga cliché nito. Kung hindi niyo alam marapat lang basahin niyo ang blog ko tungkol sa mga Pinoy Action Films na ibibigay ko ang link sa Comment Box.

Uy, amazinings. May nakita akong pandesal sa lamesa pero hindi ko ito nakita kanina ah! (Minimulto na siguro ako o kaya nakita ako ng sinasamaba ni Brother Savior dahil alam niyang salungat ako sa mga pangu-uto niya). Okay na to,tatlong pirasong pandesal na walang laman kundi hangin. Nagtaas na rin kasi ngayon ang harina. Kasabay nito ang pagtaas ng gasolina, bigas, De-lata, noodles at mga kwarto sa Biglang Liko. Dapat humanap na tayo ng alternatibo na ipapalit dito. Sa gasoline, ayos yung naimbento nung pilipinong napapatakbo gamit ang tubig. Kung sa pagluluto, tyaga muna tayo sa uling. Sa bigas naman, siguro dapat gayahin natin ang mga kano na di masyado mahilig sa kanin pero pwede ring alternatibo ang mais at ganun din sa mga de-lata at instant noodles. Kung sa mga kwarto sa biglang liko (Motel), dapat gawin na din ng gobyerno ang cubicle na pwedeng mag “you-know” kaso baka naman malugi ang mga gumagawa ng pornographic films tsaka di tayo aso.kaya konting tiis sa presyo ng mga kwarto sa Biglang Liko.

Ubos na ang pandesal de hangin, ubos na rin ang kapeng O.A sa creamer at lalo pang lumakas ang ulan. Diretso muna ako sa kwarto ko mahihiga muna.
Ayun! Saktonag-text na ang Minamahal ko ng busilak at wagas gamit ang aking dalisay na puso at pagmamahal.


I Love You daw sabi niya sa akin :)

Penulis : Paul Vincent Evangelista ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel Sunday Batugan Fever ini dipublish oleh Paul Vincent Evangelista pada hari Linggo, Enero 8, 2012. Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan Sunday Batugan Fever
 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.