Kaleyds Part 1: Wer U At?


Kaleyds: Wer U At? Part 1
Pangalawa kong entry ‘tong “Kaleyds: Wer U At?”
Medyo Ganado ako magsulat-sulat ngayon eh. Pasensya na nga pala dun sa huli kong article na medyo ma-drama ang peg ko. At eto na ang pangako ko sa inyo.
Anu handa ka na ba? Oh tara, GAME!

------

Simula nung nagpasukan hindi ako nakapagkwento ng college life ko ngayon dalawang buwan na ako sa gubat na ito. Kaya eto sisimulan ko ang pagku-kwento kung bakit nga ba ako napunta dito sa Colegio de San Juan de Letran.

Nung 4thyear stupident pa lang ako, wala talaga sa isip ko ang pumasok sa Letran ni alikabok wala. Naka mind-set kasi ako nun sa University of the Philippines o Peyups. Isang buwan at kalahati ako nag-review center at nung simulation exam nakakuha ako ng Above-average na score kaya kampante na akong papasa sa Peyups. Nakapagtest na ako at inaantay na lang ang resulta. Sitting pretty na lang daw ako sabi ng nanay ko maghanap daw ako ng ibang papasukan dahil di pa daw ako sigurado na papasa ako sa Peyups. Masunurin naman akong bata kaya naghanap agad ako. October pa lang pero naghahanap na ako ng ibang papasukan.

First stop: Far Eastern University sana. Pero nung pagkabanggit ko pa lang sa nanay ko na magi-inquire ako dun hindi na niya ako pinayagan.Ewan ko galit na galit siya sa FEU natalo ata ng volleyball dati. Kaya hindi na tuloy ang balak kong mag-inquire sa FEU.

First stop ulit: Lyceum of the Philippines University o LYCEVUM. Kasama ko ang kaklase kong mag-inquire sa Lycebum. Okay naman 11:30 kami nakadating sa Intramuros dahil nagkandaligaw-ligaw pa kami. Hindi naming alam ang pasikot-sikot sa Maynila. Pagpasok naming ng Intramuros alam kong isa lang ang nasa isip naming ng kaklase na ko parehas pa kaming naka-long sleeves ito ay ang “WOOOAAAHHH!!! TSIKS”. Grabe busog na busog ang mata namin sa mga nakikita naming iba ang kolehiyala. Pag punta naming sa gate lunch break daw balik daw kami ng 1pm. Okay lang, napagusapan naming ang mga gagawin namin pag dito kami nagaral at ang sabi niya ayaw niya dito magiging batang ama daw siya. At nakapagpa-schedule na ako ng Exam ko. Multimedia Arts at Legal Management ang nakalagay sa Application Form ko. Pagkatapos ng exam pasado parehas. Ang kasama ko, hindi pinalad.

Second stop:  De la Salle College of Saint Benilde. Isa pang WOOOAAHHH!! Nag-apply ako dito ng college grant para sa kursong Multimedia Arts. Kaso tinamad ako magayos ng mga applications. At dismayado din ako nung mga panahong yun dahil naging REPRESENTATIVE AKO NG TAGUIG PARA SA SHORT-FILM MAKING CONTEST. Grabeng pressure ang naramdaman ko nun, biruin mo buong NCR ang kalaban ko. Halos isang linggo lang ang naging preparation ko noon para sa contest. Dalawang araw para sa pagbuo ng concept. Dalawang araw sa paghahanap ng cast at Tatlong araw para sa Shooting at Editing. Dahil sa susunod na linggo pagkatapos ko gumawa eh Journalism naman nag aatupagin ko dahil sasali ako sa Feature Writing contest. Hindi ako pinalad manalo. Nakuha ng Don Bosco ang corona na pinangarap kong mapasaakin at tinamad din ako magapply sa Saint Benilde.

Third Stop: Colegio de San Juan de Letran. December na at pinilit ulit ako ng nanay ko na mag-inquire. Dahil na rin sa pinsan ko kaya ako napadpad sa Letran. Pagpasok ko pa lang eh hinarass na ako nung babaeng gwardya na hindi o alam ang pangalan. Nakapag-inquire na ako Digital Arts at Advertising ang nakalagay sa form ko na parehong guni-guni ko lang. Next week din agad ang Exam ko. Nakapag-exam na ako at pasado okay! Kailangan ko na lang daw magpa-interview. Pero nung una ayoko dito sa Letran kaya di ako nagpunta sa Interview.

Last stop: San Beda College. Eto na ang huling choice ko at dito ko na desididong pumasok dahil natanggap ko na ang result sa Peyups. Bagsak ako. Nag-inquire ako dito sakto pa parang may fiesta sa loob ng San Beda may mga rides at car show. Ayos. Desidido na talaga ako dito pumasok. Nakapaginquire na ako at ang nakalagay sa form ko BS PSYCHOLOGY isang malaking guni-guni ko lang.Nakapagexam na ako. Ayos. Pero after one week pumunta akong Beda para malaman ang resulta. Bagsak ako by 3 points. Hindi daw pwede ipa-reconsider. Apply na lang daw ako ng retake kung gusto ko umapela. Ayoko na may ibang motibo sila kaya nila ako binagsak. Ayoko ng Pagusapan.


Dahil sa inis at galit ko sa San Beda dumiretso ako ng Letran pagkakuha na pagkakuha ko ng result sa San Beda. Pagpasok ko ng Letran dumiretso ako ng Admission na parang siga. Sabi ko magpapa-interview ako kahit wala akong dalang requirements. Okay lang daw, pero bakit ngayon lang daw ako bumalik December pa lang nung nagexam ako, February na. Kaya nagpa-interview ako at sabi ko dun sa nag-interview gusto kong baguhin yung course na ie-enroll ko gagawin kong BS PSYCHOLOGY, more on Mental Skills daw ang BS PSYCH. Sabi ko okay lang desidido na ako. Kaya yan ang kwento kung bakit PSYCHOLOGY ako ngayon kahit labag sa kalooban ko.
Naging madugo ang enrolment ko. March na. Maraming na ding nage-enroll. Andaming papers na pinirmahan at linyang pinilahan. Pagkapunta ko ng Finance at kunin yung assessment form ko. Napagtanto ko. Kulang ng 105php yung dala kong pang-enroll. Nahihiya naman ako sa Finance makiusap kabago-bago ko hindi pa nga ako enrol mag pro-promissory kaagad ako? Kaya ang nangyari kailangan ko pang umuwi at manghingi ng 100 pesos. Tae pagdaitng ko ng bahay kuha agad ako ng pera at alis agad. Grabe ang pagod ko. Kaya pagdating sa ID Picture ko. Nakasimangot ako.

Itutuloy………..
 

Lipas ng Gutom.



Finally! After 48 long years na kakaintay ng fans ko (meron ba talga?) nakapagsulat na ulit ko! YEY!
Anu hand aka na bas a patikim ko ngayon? Oh, tara lets game!

----------

Mga dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nung huling beses akong magsulat ng article. Ewan ko, masyado kasi akong habol ng habol sa oras, lagi akong nagmamadali. Kapag naman may oras ako tinatamad akong gumawa.
Out of the blue lang kung bakit ko naisipan ulit magsulat. Ngayon pang ala-una ng madaling araw at kasagsagan pa ng Midterm Exams. Ang una kong ideya ang isulat ang buhay ko ngayon kolehiyo na ako.

1.7 kilometers na byahe sa Tricycle, 3.9 kilometers na sakay sa jeep at walong istasyon ng LRT ang tinatahak ko araw-araw para makapunta ng eskwelahan ko. Alas-kwatro gising na ako at aalis ng alas-singko. 7am kasi ang klase ko, hindi pwedeng ma-late. Yan ang sumalubong sa 74kg/s ko na katawan. Yan ang kolehiyo. Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganyan. Dala ko pa nga rin siguro ang pagka-hayskul ko. Noon kasi 7am din ang pasok ko pero dahil isa’t-kalahating dougie lang ang layo ng school ko sa bahay ay 7am na din ako umaalis.

Astig ako nung hayskul dahil na rin siguro Corps Commander ako ng CAT namin noon, nakapagpatalsik ako ng dalawang bading na guro sa eskwelahan namin. Astig ako, yun ang tingin ko sa sarili ko. Hindi na pwede ngayon sa college ang mga katarantaduhan ko nun, wala na rin kasi yung mga kaibigan kong tatlong taon kong kasama sa pamba-balasubas. Iba na ang aura ng taong nasa paligid mo. Kailangan mong makibagay at makisama. Bagong surroundings, alam ko hindi ito ang “natural habitat” ko.

Di na rin ako nakakapagsulat dahil sa pesteng college. Kahit wala akong hinahabol eh di ko magawang hanapan ng freetime ang sarili ko. Andami kong mga ideya sa mga bagong proyektong gagawin ko, andami kong mga hindi tapos na article na nagmistulang mga drafts na lang. Hindi na rin ako makapagsulata ng kanta karamihan sa kanila title lang at dalawang linya ang natapos ko. Para ko laging hinahabol ng oras at pakiramdam ko ay nalilipasan na ako.

Kapag dumadating ako sa bahay diretso na sa kama pagod sa biyahe wala ng kain kain, ang nalalabing oras eh kulang pa para sa mga homeworks na parang project ang haba. “Life is a matter of choice” yan ang laging inu-ulit ng adviser ko sa amin nung fourth year high school ako. Kung anung magiging desisyon ko ngayon eh tatak sa kinabukasan ko. Kaya sa araw-araw mas pinipili kong matulog ng maaga kesa gumawa ng assignments. Bahala na si Wonderman. Yan ang buhay ko ngayon. Ibang-iba kung anu ako noon. Tanggap ko na. Hindi ko lang ma-appreciate.

Kalaban ko ang oras araw-araw, lagi ko ‘tong hinahabol. Lagi naman niya akong iniiwanan. Paminsan niya rin akong pinagbibigyan, pero sinasayang ko lang sa walang kabuluhang bagay. Partida pa, FIRST YEAR COLLEGE LANG AKO. Bakit ako nagcra-cram? Ewan ko. Bakit ako napre-pressure? Ewan ko. Sadya lang sigurong inatake na ako ng katamaran. Hindi ko na nga kayang gawing “witty and funny” yung mga sinu-sulat ko dahil kailangan ko na ‘tong matapos. Madalian lang kumabaga, parang reporter na 30mins before deadline.

Hindi ko na magawa ang mga gusto kong gawin. Imbis na nagsu-sulat ako ng mga articles ko para sa Fans Club ko eh Technical Report sa Inorganic Chemistry ang ginagawa ko.  Pasesnsya na kung seryoso ‘tong pulitizer ko ngayon. Hindi ko na mailabas ang kati ng utak ko. Andami kong gustong isulat mas maganda pa kesa dito pero pag harap ko sa screen ng Laptop ko bigla akong mabla-blanko. Ni hindi ko na nga rin ma-edit yung mga typographical error nito. Pasensya na mga ka-ninja. Hanggang dito na lang muna, pangako sa sususnod na entry ko balik tayo sa “dating ako”. May Exam pa ako bukas. Nalipasan nanaman ako. 
 

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.