Insert Title Here

*Insert Title Here*


Matapos ang matagal na pamamahinga sa pagsusulat, nagbabalik na ako.
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapagsulat? Katamaran? Hindi. PROCRASTINATION ang dahilan kung bakit di ako nakakapagsulat.
Kung 15y/o ka na pataas at di mo alam ang ibig sabihin ng “procrastination”, marapat lang siguro itigil-tigil mo muna ang pagdo-dota o kaya tetris at making ka sa guro mo sa English ng maigi para hindi kita nasasabihan ng TANGA.

At kung alam mo naman ngunit nagtataka ka kung bakit nagging dahilan to ng hindi ko pagsusulat, eh marapat mo rin basahin ang pabasa ng MgaEpal.com tungkol sa procrastination. Oo, alam ko masama ang pagliban ng mga gawaing nasimulan muna o hindi talaga pag-gawa nito, ngunit may exemption kung wala ka sa mood o wala ka ring gana magsulat dahil pangit din ang kakalabasan nito.PEro wag mong idahilan ito sa iba na kaya bakit wala kang ginagawa eh dahil pangit ang kakalabasan nito.

Kung nagbabasa ka ng mga pabasa ko, nabanggit ko sa isang article ko na maswerte ang taong kayang magpalabas ng “artistic juices” nila. At sinabi ko rin dun na hindi ako isa sa kanila, dahil morning juices lang kaya kong palabasin.

Alam kong nauutot ka na dahil gusto mo ng basahin ang nilalaman nito, kaya hala sige simulan na natin.

Oh anu hand aka na ba? Tara, game!

------------------

Perstaym kong magsulat ng isang article na walang siguradong title, dahil sabi ko nga sa mga huli kong pinagsusulat, laging nasa title ang paroronan ng mga sinusulat ko. Pero ibahin mo to, walang title bahala kayo magisip ng gusto niyong title pwedeng “Betlog ni Bronson”, “Tinapay ni Aling Puday” o kaya “Mani ni Cecille”. Wag kang green, walang ibig sabihin yang mga yan.
Dahil nga walang title, i-expect mo na magiging magulo to, walang patutunguhan at walng katuturan. So fasten your seatbelts.

Paano ko ba sisimulan?
Gobyerno ba? Ayoko nakakasawa.
Pagibig? Nagiging malandi na ako.
Nakakatawa? Hindi naman ako komedyante.
Kabobohan? Oh ayun ayos, bago.

Part 1: Ang kabobohan


Maraming nagsasasbing kabobohan daw ang luamlalang sakit ng lipunan. Malamang nga siguro. Sabi naman ng bibliya, wala daw bobong tao ang ginawa ng diyos. Bakit yung tindera sa carinderia? Kaya anu nga ba talaga ang kabobohan.

-Kung pumapasok ka sa eskwelahan at nakikinig ka naman ng maayos ngunit parang wala talagang pumapasok sa isip mo, hindi ka bobo sadyang mahina ka lang talaga pumick-up kaya magaral ka pa ng mabuti.

-Kung may utak ka naman at mabilis kang makaintindi ng mga leksyon ng guro pero hindi ka nakikinig at kung anu-anong inaatupag mo habang nagle-lesson, bobo ka.

-Kung tinanong ka ng kaibigan mo ng isang bagay pero di mo alam ang sagot at sinabi mo naman sa kanya na hindi mo alam at nanghula ka naman, hindi ka bobo sadyang may mga bagay ka lang na hindi tukoy.

-Kung tinanong ka naman ng kaibigan mo at hindi mo alam ang sagot pero sinasabi mong “Alam ko yan eh, nasa dulo ng dila ko” at ayaw mong tanggapin na hindi mo alam, lumapit ka sa akin at hihilain ko yang dulo ng dila mo sabay bubulangan kita ng “bobo ka”.

-Kung hindi ka mayaman at hindi ka umaasenso sa buhay pero nagsusumikap ka naman, hindi ka bobo. Sadyang minamalas ka lang talaga at di mo katabi ang swerte. Magsumikap ka pa lalo.

-Kung mayaman ka naman, ngunit ginagasta mo ang pera mo sa walang kwentang mga bagay na hindi mo naman kailangan tulad ng bagong labas ngayon na “Aypown por es" para lang masabihang cool at trendy ka, eh lumapit ka sa akin at isasampal ko sayo yang aypown mo sabay sigaw ng bobo ka.

-Pero ang mahirap pa ditto eh yung, mahirap ka na nga, di ka na nga umaasenso, hindi ka pa nagsusumikap at gasta ka pa ng gasta sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagbunot sa nagtutulak ng kariton na may lamang itik, wag kang magalala hindi ka bobo, isa ka lang malaking salot sa lipunan. Tanga.

Pero, paano ba lalabanan ang kabobohan? Madali lang yan, gamitin mo yang malaking itlog na nakapatong sa balikat mo at magisip ka muna kung tama ba ang ginagawa mo. Hindi yan palamuti para lagyan ng kung anik-anik na makeup, hair-gel, foundation at pulbo dahil bobo ka kung yan lang ang silbi ng ulo mo. Kung di mo na ginagamit, lumapit ka sa akin may alam akong pag-gagamitan niyang ulo mo bilang “Punching bag”.

Kaya karamihan ng mga kongresista gusto kong lumapit sa akin, para gawing punching bag ang mga ulo nila.


-----

Malaking kaaway ko kapag sinuslat ko ang mga article ko ay ang “Auto-correct function” nitong MS WORD kaya gusto ko ng magpalit ng MR WORD. Nye, corny.

Naasar ako kasi kapag nagsusulat ako lagi niyang kino-correct tulad ng dito nagiging ditto. At marami pang iba nakakaasar lang. Isa pa kung bakit ako naasar, hindi ko alam paano i-off yang function na yan letse. Kaya kung may makakapagsabi man sa akin paano i-off ito ipagbigay alam niyo lang agad sa mga awtoridad upang mabigyan agad ng mabilis aksyon. Pero wag ka sa pulis ng maynila tumawag. Sa 911 ka tumawag sa America dahil makupad ang mga pulis dito nagpapalaki lang sila ng tiyan habang nangho-holdap ng walang kasalanang motorist sa daan. Asshole.

Leche, ang init sa Pinas. Ang sarap mangimbansa-bansa, summer na nga siguro. Ramdam ko na ang summer.

Part 2: Summer


Kapag tinanong kita kung ano ang summer, ano ang unang papasok sa isip mo? Maraming sagot tulad ng Mainit, Swimming Pool, Beaches, Bakasyon at kay Jason Carolino daw eh inuman magdamag. Pero kung ako ang tatanungin mo, ano nga ba sa akin ang summer? Isa lang sagot ko sayo, Torture.

Hindi kasi mahilig mag out-of-town ang pamilya ko, stay home family kami kapag summer kung aalis man kami, madalang lang talaga. Kaya isipin mo, mainit na panahon, bakasyon, walang ginagawa, boring anong pakiramdam? Torture di ba? Wag ka nang kumontra.

Pero yung totoo, astig ang summer. Panahon ito para magpunta sa mga beach, panahon ng bakasyon, panahon ng halo-halo, gulaman, saging con yelo, ice drop at panahon ng mga babaeng naka-bikini. Kaya ayos sa allright.

Maraming pwedeng tambayan kapag summer, pwedeng sa mall kasi aircon, pwede rin sa sinehan malamig din dito. Pero kung nagre-reklamo ka dahil sumasakit ang paa mo kapag pumupunta kang mall o kaya wala kang pera pang-sine. Tumambay ka sa bangko.

Oo, sa bangko. Bakit? Malakas na aircon, reading materials, friendly-crew at malambot na mga upuan. Araw-araw ka pumunta dito, siguradong di ka lugi dito. Pero ingat wag kang uupo sa parehas na upuan araw-araw, magpalit-palit ka dapat ng upuan every thirty minutes para hindi ka mag-tamper sa security cam. Sa hulian ka rin pati dapat lagi umupo, para di maka-abala sa mga customer ng bangko. Pero kapag nahalata ka na, relax ka lang marami pang ibang bangko sa bansa. Maganda din sa Meralco branches, may cable T.V pa. (Disclaimers: wag niyo lang akong ibubuko kapag nahuli kayo at tanungin kung sino nagutos sa inyo na tumabay sa mga ganitong lugar, kaibigan niyo ako).

Kung sa sarap lang naman tumabay ang paguusapan, walang tatalo sa mga beach. Bakit? Magandang dagat, pinong buhangin, mga puno ng buko, mga nakangiting bangkero, malamig na gabi at mga babaeng naka-bikini.  Sinasabi sa statistics na sa Sampung lalaki, walo dito ang pumunta sa beach eh para makakita lang ng babaeng naka-bikini, lima sa walong ito ang talagang babae lang,tatlo sa limang ito ang may inaalalang girlfriend at isa sa tatlong ito ay ako. Inshort, pumupunta ako sa beach para makakita ng babaeng naka-bikini at babae lang talaga ngunit may minamahal na inaalala.

Punta kayong Boracay, para maintindihan niyo ako.

Erning: Saan pumupunta ang tao kapag summer?
Pedro: Sa Labas!
Erning: Mali! Nagsisimula ito sa letter b! pumupunta sila dito para maligo.
Pedro: Banyo!
Erning: Mali! Pumupunta din sila dito para mainitan.
Pedro: Bubong!
Erning: Gago! May mga babae ditong naka-bikini.
Pedro: Beerhouse!
Erning: Suntukan na lang!

-------

Kung susumahin natin, ito na ata ang pinakamahaba kong pabasa, yung iba eh hindi na to binasa nagatpos siguro sila sa kabobohan, at dahil nga walang pinatutunguhan eh baka tinamad na magbasa at nag-tetris na lang. kung umabot ka dito,congrats bayaw, ituring mo itong pinakaswerteng araw mo dahil makakakuha ka sa akin ng free prize! Paano i-redeem? Just type: 09496797045<space>30 and send to 808. Smart subscribers lang mga tropa. Kung nai-send mo na, anatyin mo na lang yung notification message at magugulat ka sa napanalunan mo! Di kita binibiro, totoo to! So anu pang iniintay mo? Text na!

Pwede na siguro ako mag-advertise ng mga bagay-bagay. Susubukan ko.

Part 4: Advertising


Para malusog si baby, uminom ng promil habang siya ay nasa tummy!”

Downy isang babad! Isang babad lang, tanggal ang sabon sa labada”

Ganyan ang mga karaniwan mong makikitang advertising ng kung anu-anong produkto ngayon, depende sa trip mo at mapapansin mo ding dapat isang banlaw lang yun. Yan ang advertising gagawin ang lahat makakuha lang ng atensyon ng mga mamimili. Kung di mo ako naiintindihan eh basahin mo ang mga sumunod na talata sa baba.

Ang mga advertising companies ang nagde-decide kung anung skit ang gagawin nila, kailangan yung astig, yung wala pang gumagaya depende pa rin naman sa produkto ng kliyente nila. Kung ako tatanungin mo ang pinaka-magandang commercial na napanuod ko na walang kagaya eh yung commercial ng “Family Rubbing Alcohol” na sa sobrang unique eh wala ng sumubok gumaya pa dahil sabi “Di lang pang-pamilya, pang-isports pa!”

At naaalala niyo ba yung commercial nung McDo? Yung dalawang bata? Yung demanding? Kung di mo alam eh hindi ka madalas sa T.V. hindi na rin kasi nae-ere ito dahil ibinan to ng CBCP, samahang matitibay ang itlog na akala mo mga presidente. “Senate Wannabe”. Binan nila ito dahil inappropriate daw para sa mga bata dahil bata pa lang daw eh boyfriend/girlfriend na ang iniisip pero sabi naman nung babae McFries lang naman daw ang gusto niya eh, kaya bakit niyo siya ibinan?

Pero may point naman ang Samahang Matitigas ang Itlog, bata pa nga sila para isipin ang mga ganun-ganun dahil mas maganda kung mapapanatili natin nag kainosentihan ng mga bata sa ating lipunan mas ayos yun, sana na lang din iniba nila yung skit parang ganito:

Batang Babae: Bestfriend mo na ba ako?
Batang lalaki: hindi ah! Masyadong madrama ang mga bestfriend, problema dito, problema jan, iyak dito ah ewan!
Babae: *slow and cute voice* Eh Hashbrown Burger lang naman sa Jollibee ang gusto ko eh.
Lalaki: Eh akala ko ba Mcdo tong ini-endorse natin?
Babae: Ewan ko ba jan kay Paul, kung anu-ano nanamang sinusulat.
Lalaki: Tara nga! Bili tayo!
*at naglakad sila ng magkaakbay papuntang KFC at bumalik na may dalang shake ng Zagu*

Ayan, kung binago sana nila eh di triple-ad pa ang nangyari. Tsk tsk.

Ayoko ng pahabain to dahil masyado ng mahaba may kasunod pa naman.

“Sulating ninja ni Paul Evangelista, if you order now you will get one free, yes, you heard it right FREE one piece of Intermediate pad. But wait! There’s more! If you call for the first ten minutes you will get nothing! Yes, NOTHING! So call now at Bantay Bata 163 and look for Melvin pasabi nahanap ko na tatay niya”

-------

Ayoko ng pahabain pa ito, kaya ito na.

Part 5: Pagi-intindi/Ending


Ending tapos na.may mga huling salita lang ako na gustong sabihin.

Kung initindi mo talaga to, eh hindi ka na magatataka kung bakit walang pinatutunguhan tong mga sinusulat ko, nakita mong mali yung isang ad na isang babad at walang Part 3 itong pabasa ko na ito.Ops! wag mo nang tangkain i-check kung wala nga, dahil wala talaga maniwala ka kasi sa akin.
Kaya eto, diyan nanaman nagtatapos ang isang mahabangwalang kabuluhang pagbasa ng pabasang ito. Sana ay nagustuhan niyo, kung hindi wala akong pakielam bahala ka sa buhay mo.

Anu? Nakaisip kana ngmgandang Title? Lagay mo sa Comment box!
 

Isang Litrong Pag-ibig (Legitimate)

“Isang Litrong Pag-ibig”

Dalawang araw na akong puyat, laging may iniisip.
Ang sabi masama daw gumawa ng kung ano kung nalulungkot ka dahil malungkot din daw ang kakalabasan nito. Maswerte ka na lang daw kung kaya mong palabasin ang “artistic juices” o kaya kontrolin ito para laging maganda ang kalabasan ng mga gagawin mo. Parang di ata ako kabilang sa mga taong yun, ang kaya ko lang palabasin na juice sa katawan ko eh ihi na tatawagin kong “Morning Juices” na laging sa inidoro ang labas.

Oh, hala sige. Tama na ang drama.
Simulan na ang bakabakan ng  pinaka-exciting na laban ng oras na ito.
 Ihanda mo na ang popcorn, pero wag yung cheese kasi dudumi ang Mouse o Touch Pad mo.
Tawagin si Nanay, Tatay, Ate at Kuya. Pasabi tinatawag ko na sila.
Oh, handa ka na ba? Tara, game!
----------------------------

“Isang litrong pagibig” paano ko naisip ang title na ito? Kung avid-fan kita o supporter ko, mahahalata mo na   sa lahat ng sinusulat ko ay ipinapakita na sa title ang nilalaman. Pero bago ‘to, para kunwari “fresh”, “trendy”, “cool” na parang yung bagong bukas na stall ng Zagu sa baba ng kanto namin.

Pero walang kinalaman to sa shake na may sago na pina-astig lang ang tawag. Dahil alam kong ang iba sa nagbabasa nito ay binabasa lang para sikat pero hindi gumagamit ng isip. Kaya ganyan ang title nito tungkol po kasi ito sa “Pagibig”.

(Bigla kang naging interesado noh? Syempre pagibig eh… LANDI MO!)

tEKA lang, tEKA lang. chill muna. (Hindi typographical error yan, may pinapatamaan lang ako)
--
Alam ko maraming kabataan ngayon ang puro pagibig ang inaatupag kesa pagaaral nila. Sa sampung kabataan ngayon 8 ang puro pagibig na ang nasa isip ang nalalabing dalawa, eh yun yung mga pagaaral lang talaga. Tapos yung isa, ako yun. Balanse ang pagibig at pagaaral.

Pero minsan nag-isip ka na ba minsan, kung ano nga ba talaga ang pagibig?

Pag tinanaong kita ngayon kung ano ibig sabihin sa iyo ng pagibig, alam kong puro ka-kornihan lang ang pagsasa-sabi mo sa akin tulad ng: “Love is like a rosary”, “Love is blind” o kaya “Love is gold”. Pero kung ako tatanungin mo? Anong tunay na ibig sabihin sa akin ng pagibig, sasagutin kita ng:

“Ang pagibig ay parang Isang litrong softdrinks, nakakaumay pag ikaw lang ang iinom, kailangan may kasalo ka”.
tEKA, tEKA (Hindi ulit typographical error yan). Original ko yan wala sanang gumaya.

Pero yan ang sagot kong katangahan. Dahil ang tunay na ibig sabihin sa akin ng pagibig ay: “Ang pagibig ay sakit sa ulo”. Bakit? i-eexplain ko maya-maya.
Naa-asar ako sa mga kabataan ngayon na kapag nagkaroon ng Boyfriend/Girlfriend kahit dalawang minuto at kalahati pa lang nagiging sila, PAGIBIG na daw yun. Gago sila, di matatawag na pagibig yun buti kung may talong minuto nang nagiging kayo. Yun pwede yun.

Pero may pamantayan kasi ako ng sukatan ng pagibig. At ishe-share ko yun sa inyo.

PAGIBIG NGANG MATATAWAG YAN KUNG (Paul’s Version):

-Handa kang magsakripisyo para sa kanya

-Kaya mong gawin ang lahat para lang sa kanya

-Gumagawa ka ng korning paraan mapansin ka lang niya, kahit nakakahiya

-Handa kang isugal ang LAHAT para sa kanya

-Lagi kang may inilalaan na oras para sa kanya

-Siya lang ang lagi mong katext . tEKA, tEKA mali ata (At sa pangatlong beses, hindi typographical 
error yan)

-Hindi ka kailanman titingin sa iba, kahit gaano pa yan kaganda, kasexy/macho dahil alam mong sa paningin mo, SIYA NA ANG PINAKA-PERPEKTONG TAO sa mundo.

-Hindi ka kailanman gagawa ng mga paraan na ikakagalit niya

Yan ang mga pamantayan ko ng pagibig. Kung apat jan ay nagagawa mo na UMIIBIG KA NGA, pero kung LAHAT yan ay nasusunod mo. Apir tayo, Nagmamahal ka ng dalisay at wagas gamit ang busilak na puso.  Katulad ko.

Ewan ko sa iba, pero ganito ata ang pamantayan nila:

PAGIBIG NGANG MATATAWAG YAN KUNG (Gangsta Version):

-Kaya mo siyang buntisin

-Kaya niyong magmukang tanga pag magkasama kayo

-Textmate kayo ALLDAY/ALLNIGHT. Hindi naman naguusap pag nagkita

-Kapag ganito na nakalagay sa mga baba ng mga text niyo “bHosxCZ. uT@nGeRA ni b0Y mH@lditO”

-Kapag puro text quotes ang sinusunod mo

-Kapag Tatlong minuto pa lang kayo at nasabi mo ng mahal na mahal mo na siya

Marami pa sana akong gustong ilagay kaso naasar lang ako. Tulad ng kanina kung LAHAT yan ay nagawa mo na, Pasensya ka na ngunit hindi pagibig yan tanga.

At isa pa, para sa akin hindi ako naniniwala sa salitang “Love at First Sight”. Masyado kasing malakas ang salitang LOVE para gamitin. Tulad ng mga pamantayan sa itaas dun mo lang malalaman na minamahal mo siya. Pwedeng tawagin yan na “Crush at first sight”, “Paghanga at first sight” o kaya “Landi at first sight” at para sa mga sosyalistang JEJE pwede niyong tawagin itong “Pogi Spotted”. Pero hindi talaga ang “Love at First Sight”. Hindi talaga.

At kung bakit ko nasabi na sakit sa ulo ang magamahal ganito po kasi yun.
Kapag kasi nagmamahal ka hindi niyo maiiwasan ang mga pagaaway, tampuhan dahil sa mga maliliit na bagay. Responsibilidad kasi ang magmahal, responsibilidad mong alagaan ang minamahal mo, ang unawain siya ang samahan siya at sundin siya. At ang matindi pa dito na talagang nagapapasakit ng ulo ko, Kapag ginagawa mo naman lahat para sa kanya kaso parang wala lang sa kanya, kung ikaw nagmamahal kang tunay pero siya? Hindi sigurado. Ngunit, sabi ko nga kanina, kung totoo kang nagmamahal kaya mong GAWIN ANG LAHAT at MAGSAKRIPISYO. Kahit parang imposible na, HANDA KA PA RING SUMUGAL.
Sakit sa ulo no?

At ito naman para sa mga may “Crush” ngunit hindi ka nila pinapansin, yan ay dahil hindi ka kasi kapansin-pansin. Wag mo pahirapan ang sarili mo, kung desidido ka na, lapitan mo siya at sabihin ang iyong nararamdaman. Kapag di ka parin pinansin ay dapat na sigurong tigilan mo na ang paghanga sa kanya, wag kang magpakatanga marami pang ibang babae diyan. Malay mo, may isang tao rin na patagong may pagtingin sa iyo hindi mo lang din siya pinapansin. Atleast nasabi mo sa sarili mong sinubukan mo at hindi puro what if’s ang buhay mo

At eto ang konti ko pang maiibahagi sa inyo.

MGA TIPS PARA IPARAMDAM SA MINAMAHAL MO NA MAHAL MO SIYA BY PAUL:

-Step up your game. Kaya mo yan walang masama sumubok.

-Be unique. Laos na ang pag-gamit ng pickup lines, kaya humanap ka ng ibang paraan pero kung trip mo pa rin ang pickup lines umisip ka ng fresh at bago hindi yung mga tipong panahon pa ni kopong-kopong na luma na at gasgas.

-Be yourself. Kapag nasa harap mo na siya, wag kang magpanggap o magbalat-kayo, ipakita mo ang tunay na ikaw lagyan mo lang ng konting sweetness para mahalin ka niya sa kung anu ka hindi dahil kung anu ka dapat.

-Be her Superman. Ipakita mo na kapag kasama ka niya eh walang masamang mangayayri dahil feeling niya safe siya kapag kasama ka niya. Wag ka lang magpaka-warfreak.

-Appreciate every little things. I-appreciate mo muna ang ginagawa niya bago niya maapreciate ang ginagawa mo.

-Be honest. Wala namang masama kung susunod tayo sa dating kasabihan.

-Make her feel unique. Kailangan maramdaman niya na wala siyang katulad dahil siyang pinaka-importanteng tao sa mundo mo.

-Do the Extraordinaire. Magapaktanga ka, umisip ng mga paraan kahit nakakahiya maramdaman lang niya na mahal mo siya at kaya mong gawin lahat para sa kanya.

-Love her with all your heart. Last but not the least, mahalin mo siya ng buo tanggapin mo siya kung ano siya. Mahlain mo siya ng dalisay at wagas gamit ang busilak na puso.

Hindi ako eksperto sa ganyan dahil inaamin ko maski ako, may mga pagkakamaling ginagawa sa minamahal ko pero ito lang ang masasabi ko para sa kanya, sana binabasa niya ang parteng ito.
“Mahal na mahal kita, kahit anu ka pa. Tinaggap kita dahil sa kung ano ka at handa akong gawin lahat sa iyo, mahalin mo din sana kung ano ako kahit isa lang akong hamak na manunulat at sana magustuhan mo ang munting alay ko sayo dahil para sa iyo to DEAR :*”

tEKA, tEKA sana nagustuhan mo ito (Sa pangapat at huling beses hindi typographical error yan)

Kaya mga bayaw, salamat sa pagbabasa. Sana kahit papano may natutunan ka sa akin. Basta lagi mo lang tandaan:

“Ang pagibig ay parang isang litrong softdrinks, nakakaumay pag ikaw lang ang iinom, kailangan may kasalo ka”
                                                                  -Paul Vincent Evangelista

Sana din may isang litrong yakult.
 

SULATING NINJA

Bagong gawa tong page na ito, pero matagal-tagal na akong nagsusulat kaya kung anu man ang makikita mo sa una yun ay mga post na matagal (2yrs na ata?) at yung mga nasa huli nung isang linggo lang :)

Kaya maligayang pagbabasa!
Kape ka muna?
 

Isang Litrong Pag-ibig

March 9,2010
1:37 am

Bakit nga ba walng 1 litre na YAKULT??

Imbis na yung exam sa NAT ang iniisip koh yung isang litro ng yakult ang nasa isipan koh.. 
di makatulog kakaisip..

PERO BAKIT NGA BA??

" yakult contain an ingredient of GOOD BACTERIA called LACTOBACILLUS that fights BAD BACTERIA "

- bumabagabag sa isip koh yan siguro kaya sila hindi gumagawa ng 1 liter dahil nga daw may sangkap na LACTOBACILLUS o good BACTERIA na pumapatay sa bad bacteria ang isang 65mL na lalagyan. siguro pag uminom ka ng isang litrong yakult baka WALA NANG MAATAKE yang mga GOOD BACTERIA na yan at ATAKIHIN ANG IYONG TIYAN..

" ANG SUGGESTED RETAIL PRICE NG YAKULT ay P8.00 "

- siguro kung may isang litro nito siguro aabot ng 120+ ang presyo nito .. kasi sa isang litro may 15 na 65mL na tig e-8 pesos.. siguro dun sa 120 pesos moh may isang case ka na ng RC.



PERO MAS OK DIN NAMAN KUNG GAGAWA DIN SILA NG SIZE NG YAKULT NA KASING LAKI NG MASCOT NILA!!!

kahit magkano pa yan ! kahit gerahin nila ang tiyan koh !! bibili ako nyan !! haha!!!

SO PANU BA YAN MAG WELGA NA TAYO!!

hahaha!!

- SI PAUL NA WALNG MAGAWA SA BUHAY..
 

SARSAPARILLA

Kahit nag-eemo ako ngayon eto may kukuwento lang ako na nangyari lang kanina .


Sarsaparilla or Sarsi with EGG !!

Alam yung softdrinks na SARSI?? yun haluan mo lang ng ITLOG , Oo ITLOG!!

Na-Confuse lang ako kanina habang nagbabasa ng " BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PINOY ni Bob Ong " dahil meron dung nakasulat na :


"Nakatikim ka na ba ng sarsi with EGG ? ( Masarap na , Masustansya pa ! )


ayun nag reserch muna ako paano siya ginagawa at nalaman ko na Ilagay mo lang sa baso ang SARSI at Haluan mo ng ITLOG !! at itinanong ko muna sa Nanay ko kung Totoo yun at TOTOO nga at sumabat pa si KUYA JUN na noon pa nga daw ito ay inilalagay sa BEER !!

at ganun na nga ang nangyari kumuha ako ng ITLOG at naghanap ng tindahan na mabibilan ng SARSI na 40yrs. kung hinanap.

at ang lasa (drum roll) ...

Lasang Softdrinks na may kakaibang SUBTANCE .

PERO MASARAP !! kahit medyo nagkagera sa loob ng aking tiyan . :))

after nun EMO na ulit ako ..

DISCLAIMERS : bago ko ito isinulat ay kalalabas ko lang ng banyo :))
 

Coulrophobia

BAGO ANG LAHAT ! kaya ko naikuwento ito dahil sa isang MABUTING kaibigan at PLEASE wag kayong tatawa dahil
SERIOUS MATTER ITO ( HAHAHAHA!!)


Coulrophobia or Phobia In Clowns

Oo aaminin ko, noong Bata ako TAKOT AKO SA MGA PAYASO 
dahil na-TRAUMA ako dun sa mga pinoy films na ang KONTRABIDA ay mga CLOWNS
di ko alam ang mga title pero natatandaan ko pa anu ang mga pangyayari 

Ganito 

Si Camille Prats ang Bida dito sa pelikulang ito eto yung kuwento ng ISANG LIBRENG TV 
(sana meron ganyan ngayon at may libre pang stuff toy!) ang hindi alam nang ating bida ay isinumpa pala ang TV na yun
para mang-kidnap ng bata at hatakin ito papasok sa TV ito yung CLOWN na nangaakit na mga
bata para pumasok sa TV !! pero iisa lang ang palabas sa TV ito ay yung SHOW nung CLOWN na ang audience ay mga batang parang nasunugan ng bahay ang mga mukha. Dahil laging wala ang Ama at Ina nang Ating bida ay ang katulong lang niya
ang kasama niya at ang FAMOUS WORDS NG CLOWN NA YUN ay
" Halika Dito , Jennifer Halika na Rito Masya Dito "  Pero Habang Abala ang CLOWN na akitin si Jennifer papasok ay Abalang-abala din ang katulong nila at kanyang JOWA sa PAGNANAKAW . BACK TO THE STORY . nung hindi pumasok si Jennifer sa loob ng TV ay nagkusan Loob na ang CLOWN na siya na lang ang LUMABAS WOOHH !! takot na takot ako noon dito lalo na nung nabuhusan ni Jennifer ng Muriatic Acid ang MUKHA NUNG CLOWN !! brrr..



May pelikula rin akong napanood PERO ACTION FILM ito.

Ewan ko kung sino ang Bida dito pero ang alam ko grupo ng mga sindikato ang inutusan ng kanilang
" BIG BOSS " upang kidnapin ang anak ng isang mayamang BUSINESS TYCOON at kung alam niyong
walang kinalaman ang mga clowns dito eh nagkakamali kayo dahil nung kinidnap nila ang bata nakasuot 
sila ng CLOWN COSTUME . F*CKING CLOWNS !! (^^^) GRRR!!!

at yun ang dahilan kung bakit ako dati takot sa mga clowns , BADTRIP at nung 4th birthday nang kapatid ko
ay UMARKILA SILA NG CLOWN ! ASSH*LE badtrip ni hindi ko man lang naenjoy yung BIRTHDAY dahil sa CLOWN.

pero na-overcome ko rin yung PHOBIA kung yun dahil din sa isang  BERTDEYAN ng kapitbahay namin at
binigyan ako nang CLOWN ng isang LOBO ( pero ang nasaisip ko pa rin yung CLOWN na lumalabas sa TV ) at yun 
napagalaman ko na hindi lahat ng CLOWN eh nanghahatak ng mga bata papunta sa loob ng TV o Nautusan ng 
BIG BOSS nila upang KIDNAPIN AKO.

PAGKATAPOS KO Ma-Overcome ang Phobia ko sa Clown .....


Nagka-phobia naman ako sa ASO pero ibang KUWNTUHAN NA ITO.
 

Hell ang Higschool

Ito ang sequel ng Blog ko na " Mga Teacher ng buhay ko " at ng 
" Addictuz-KlungKlungKlung "
Kaya Pwede mo itong tawagin na " MGTNBK Saga "
Kayo Eto na LESGERIRON ( Lets Get It On ! )

Sinimulan ko dati ang mga sinulat ko sa mga terror na teacher noong 1st at 2nd yr ako .
Ngayon naman Mga teacher ngayong 3rd year na ako :))
Ano handa ka na bang Magulantang at Manindig ang iyong balahibo ?? Eto na GAME .


*Ms. 4o'clock also known as Periodic Table Girl
Subject : Chemistry
Time : 7:30 - 8:30
Attributes : Mild & Wild

Description :

Kaya siya tinawag na Ms. 4'oclock dahil sa mga unang buwan niyan pagtuturo sa amin ang lagi niyang panakot sa amin 4o'clock kami makakauwi kapag hindi kami tumahimik at kaya naman Periodic Table Girl ay hindi matatapos ang isang araw niya na hindi siya bumabanggit nang Elements sa Periodic Table tsaka si Elmido ang nagpauso nun , Pero ok naman siya bilang Adviser at teacher Wag mo lang talagang GAGALITIN bahala ka pinayuhan na kita >:)

*BogSa
Subject : Araling Panlipunan
Time : 8:30 - 9:40
Attributes : Oks na Oks :))

Description :

Pauso nanaman ni Elmido ang tawag sa kanya na " BogSa " kasi nung mga unang araw niya rin na pagtuturo sa amin ay lagi din siyang galit at para nga namang SABOG pero di kalaunan ay SOBRANG BAIT naman pala niya :))

*Ms.AMD
Subject : Filipino
Time : 9:45 - 10:45
Attributes : AYOS ! :))

Description :

Kung tutuusin hindi naman talaga sila terror ni BogSa , basta ayos siya ASTIG mgaturo , ayos na ayos sa mga explanations BASTA AYOS ! ang ayaw ko lang sa kaniya ee kapag exam ay may mga SET hindi tuloy ako makakopya :)) at yung Palayaw niya ay yung pangalan niya :))

*Crunch  
Subject : T.L.E
Time : 10:45 - 11:45
Attributes : (Nabanggit sa Addictus KlungKlungKlung)

Description :
(Nabanggit na talaga)

*Jaylord
Subject : English 
Time : 12:15 - 1:15
Attributes : IT DEPENDS UPON THE SITUATION

Description :

OYEAHMAYGAD ! noong Last Day noong second year ako eh binantaan niya kami na Yari daw kami sa kanya pagdating namin nang 3rd year . pero TERROR siya KUMAKAIN NG BATA depende rin sa tao :))
Kapag magulo , makulit , maingay , madaldal at di ka nakikinig sa kanya asahan mo aabot kayo sa Supreme Court kakapaliwanag sa kanya pero talo ka pa rin basta HE GIVES ME THE CHILLS x|

Btw , Second name niya yung codename niya dito ..

*Vangiera also known as Lady Ultomuron , Scarecrow , Lola , Hoklu (short for Hokluban)
Subject : Geometry
Time: 1:15 - 2:15
Atrributes & Description :  (Nabanggit sa Addictus KlungKlungKlung)

Facts about sa kanya :
-Araw2x siya magpaseatwork kahit hindi pa niya naiilesson yung pinapaseatwork niya .
-Sa paglipoas ng panahon mukha na rin siyang nalipasan ng panahon.
-CERTIFIED VIRGIN >:)
-Matandang Hokluban 

*Horhe Mio Kaltok
Subject : MAPEH
Time : 2:15 - UWIAN
Attributes & Description : (Nabanggit sa Addictus KlungKlungKlung)

 Facts :
-Masaya siya magturo Lalo na kung health ang Subject :))
-Pagtinatamad magturo ng papa-PE nalang xD

Kahit Hell Ang Highschool COOL :))
TIl Nextime ;)


Other Related BLogs :

http://izttillo.blog.friendster.com/2009/09/mga-teacher-ng-buhay-koh/
-Mga Teacher Ng buhay Ko

http://izttillo.blog.friendster.com/2010/07/addictuz-klungklungklung/
-Addictuz KlungKlungKlung
 

Pelikulang Aksyon hatid ng mga Pinoy

Sa 16 years kong nabubuhay dito sa mundong ibabaw halos andami ko nang napanood na pelikula, Especially PINOY ACTION FILMS at sa likod ng pagiging action nito may nakakatawang side ang lahat ng mga pelikulang ito kung iyong susuriin kaya yun ang ibabahagi ko sa inyo ngayon. so ano tara ? GAME !!

Sa isang Action Film karaniwang nagsisimula ang palabas sa pagpapakita ng buhay ng bida at karaniwan na rin siya ay MAHIRAP, Nakatira sa SQUATTERS AREA o yung mga sinauna talaga eh sa TONDO pero meron din naman sa PROBINSIYA lumaki at diyan magsisimula ang PELIKULA .

at AUTOMATIC na ipapakita ang buhay ng KONTRABIDA na karaniwan ding MAYAMAN, Nkataira sa malalaking bahay at MARAMING tauhan na nagmimistulang mga GOONS .

at magsisimula ang alitan sa pagitan ng Bida at Kontrabida ay kung matatapakan ng Kontrabida ang Pagkatao ni Bida, o kaya naman ang PINAKA-KARANIWANG pinagsisimulan ng away nila eh may Mapapatay na KAMAG-ANAK ni Bida (Tatay, Nanay, Kapartid, Asawa etc.) na magsisimula ng madugong paghihigante nito .

at eto na ang mga nakakatawang part sa mga ganyang FILM .

kung mapaaway man ang Bida ay kaya niyang magpatumba ng 10 katao ganyan kalupit ! at di lang yan kung magka-sugat man ay siya ay SUGAT lang talaga .

at kung mamatay man ang isa sa mga kaanak ni Bida ay MagKwe-Kwentuhan muna ang Dalawa bago tuluyang Matigok.
Example .

(Makikita ni Bida na mamatay na ang Asawa niya at Tatakabo ito at Biglang yayakapin)

Bida : Bago ka mamatay Pwede mo bang Sabihin sa akin ?
Asawa : *kuu-ung si-no ang buu-maaril sa akin* ??
Bida : Hindi kung saan nakatago ang mga Alahas Mo .
Asawa : (*Malalagutan ng Hininga*) .
Bida : (*Sisigaw*) MAAAAAARIIIAAAAA !!!!

at parang laging may superpower ang bida, dinaig pa si SUPERMAN pag tinamaan siya ng bala ay PARANG KINALABIT LANG SIYA NG BATA, diretso pa rin sa pakikipaglaban di katul;ad ng mga Goons ng Kontrabida ay MADAPLISAN lang ng bala ay MAMATAY AGAD ganyan katindi ang bala ng baril ng BIDA. 

at eto pa ang advantages ng pagiging Bida :
- Kahit saan siya bumaril ay laging may tinatamaan (kahit di Asintado may tatamaan pa rin)
- Mahirap Patamaan ng Bala kahit sobrang Asintado na ang mga bumabaril sa kanya.
- Mahirap patumbahin. 
- Hindi Nagre-RELOAD, OO di nagrereload o sa madaling salita di nauubusan ng bala at kung maubusan man ay di Nauubusan ng Reserba .
- Laging May LIFE-SAVER SA HULI (babanggitin mamaya)

Ganyan Katindi ang Bida naten, at sobrang KABALIGTARAN naman nito ang sa KONTARBIDA dahil kahit mayaman siya ay walang magawa ang yaman niya sa Kpangyarihan ni Bida kahit mga Tauhan niya na Mahigit Isang-Daan ay di pa rin madampot at matalo ang Bida .

Kontrabida : mga INUTIL ! andame dame niyo di niyo pa rin siya mahuli-huli ??
Goon 1 :  Boss, di siya tinatablan ng KRYPTONITE .

at kung papansinin niyo, Laging Bulok ang Kotse ng Kontrabida kahit sobrang yaman niya ay di siya maqkabili ng magandang Kotse at siguro ganito ang Dahilan nila .

Kontrabida 1 : Aanhin pa namin ang magagandang Kotse kung Lagi naman tong Sumasabog .
Kontrabida 2 : TAMA ! hanep kase ang BALA ng baril ng bida di na nga nagrereload, SUMASABOG PA !

Totoo yan Ibang Klase Talaga ang Baril ni Bida, biruin mo ang isang HANDGUN ay nakakapatay at nakakapagpsabog ng Napakadaing Tao at KOTSE ! (Kontarbida 1 : di pa Nagrereload !) .

At ang paghaharap ng Bida at Kontrabida sa Huli, Pagkatapos Patayin ng Bida ang mga Tauhan ni Kontrabida ay siya naman ang kakaharapin nito parang BOSS BATTLE sa mga Video Games.

Kung parehas walang Galos ang Dalawa Makwewentuhan muna dalawa bago mgapatayan .

Bida : Tapos na ang kasamaan mo Balderama dito ka na mamatay at ililibing !! mabuti pa Sumuko ka na ! Lahat ng mga mahal ko sa buhay Pinatay mo, Pati BEER ko ininom mo !

Kontrabida : Di ako susuko ! atsaka malay ko bang BEER mo yon !
Bida : Magdasal ka na !! kumuha ka na ng salbabida at Maliligo ka sa sarili mong Dugo !
Kontrabida : Ayos Lang Di pa ako Naliligo !

(at Sabay lalabas ang dalawa sa piangtataguan nilang Pader, Ngunit mauunang Bumaril ang Bida at mamatay ang KontraBida .

Bida : magkita nalang tayo sa impyerno !! (*sasabay raratratin nag mahiwagang Handgun ng Di nagrereload,
*Kontrabida 1: Sumasabog Pa 1 *)

at Kung Llamado naman ang Kontrabida ay dito na dadating ang tinutukoy kong LIFE-SAVER, ganito ang mangyayari :

(Nakahiga na ang Bida na puno ng Galos at Sugathabang nakatutok sa kanya ang baril ni Kontrabida)

Kontrabida : Barbosa ! magdasal ka na sa iyong panginoon dahil tatapusin ko na ang paghihirap mo (*dahan-dahang kakalinbitin ang gatilyo)

Bida: (*pipikit*) 

(biglang dadating ang LIFE-SAVER kaya hindi matutuloy ang pagpatay kay bida at mababaling ang atensyon nito kay LIFE-SAVER)

Life-Saver : CHAHA-RAAN !! Balderama ! andito ako !

(sabay bubunutin ng Bida ang Kaniyang Mahiwagang HANDGUN na di na Nage-Reload
*Kontarabida 1: Sumasabog pa!*  at mababaril ni Bida si KontraBida )

Bida : Pasensya Balderama di pa ako handa ..

at eto pa, NGAYON LANG DADATING ANG MGA PULIS SA CRIME SCENE !!
at magtatapos ang palabas na naglalakad ang Bida na nakahawak sa Kaniyang Tiyan at Iika-ika maglakad at Bit-Bit ang Kaniyang Mahiwagang HANDGUN na di an nagre-RELOAD SUMASABOG PA ! 

(biglang mag pri- FREEZEFRAME at lalabas ang Credits)


Ganyan ang Pelikulang Pinoy !
Hope you Like it !

-Paul Evangelista
 

Single Trend

Others say, being single is a way to show them that you're capable of living without depending and/or using somebody in the opposite sex as a "Inspiration".

Although that is true, we cannot make this status as a TREND.


Being single is NOT COOL when you use this just to fit in with others.
Being single is NOT COOL when you have just split with your BF/GF just to say that you're SINGLE and FREE.
Being single IS NOT A TREND to fit-in in your society.

And yes, it is true that being single is HASSLE FREE. 
But please, DON'T MAKE IT AS A TREND.

Don't look life at a WRONG ANGLE.
Enjoy you're life to the full.
Don't make any Excuses for your miserable life. Instead, make it as your inspiration to make it better.

NAGPAPAUSO NANG HINDI TAMA .
MALI YON ! =DDD
 

Hayskul Memoris

Ilang buwan na lang magtatapos na ako. Makakaalis na ako sa Konstitusyong tinatawag nilang  “High School” at ilang buwan na lang din tatapak na ako sa sementadong lugar na maghahanda sa akin sa pagabot ng mga pangarap ko, ang Kolehiyo.

Apat na taon din akong naglabas pasok sa konstitusyong ito habang ganun nagpasok-labas naman ang mga itinuturo ng mga guro ko. Sa apat na taong iyon, tatlong taon ang iginugol ko sa E.P Ville Integrated Academy. Tatlong-taon ako ditong naglabas-pasok sa munting gate habang nakikipagsik-sikan sa mga bag ng mga elementary na nakaharang sa daanan at sa hapon, sa mga bata naman na akala mo laging may rally. Pero sa tatlong taon na iyon marami na akong natutunan at malamang mami-miss.

Isa sa mga natutunan ko dito ay kung paano makasingit sa mga nagra-riot na estudyante at ang kanilang kumakalam nasikmura kapag recess o kaya lunch. Kailangan lang gamitin ang laki ng katawan mo at haba ng kamay para mai-abot agad ang bayad kay Ate Nieves o Ate Cathy (Siyempre, ‘matik na yun kapag nakuha na nila ang bayad mo, No-Choice na sila. Kailangan ka na nilang bigyan ng kung anu mang binibili mo). Atbp.
Natutunan ko din ang tamang pag-gamit ng Scientific Calculator, may silbi pala lahat ng pindutan ditto akala ko kasi nun trip lang ng mga umimento o kaya gawin lang itong sulatan ng kung anu-anong katangahan Example: Asin (Alpha+A+sin) J)

Isa na din dito ang pag-utot ng walang amoy. Ewan ko kung paano ko natutunan Inborn na din siguro o kaya “Natural Talent”.

Pero sa likod ng lahat ng iyan, marami din akong mami-miss lalo na ngayong huling taon ko dito.

Mami-miss ko ang room namingDual- Purpose: Classroom sa umaga, Pugon sa tanghali. Ito rin pala ang room na RAMDAM MO LAHAT. Ramdam mo ang iniluluto sa canteen pag umaga, ang baho ng simoy ng hangin kapag dumadaan ang sundo ni Job, Ramdam mo ang mala-chemical weapon na Anghit ng kaklase kong hindi ko na babanggitin kung sino.

Mami-miss ko din ang mga Korning Joke ni Sir.Rico. Ang pagpapaluto ni Maam Ella. Ang Spaghetti, Lumpia at Sinangag ni Ate Nieves pero siyempre hindi mawawala diyan ang WALANG KAMATAYAN NIYANG ADOBO na simula nung Second Year ako hindi na nawala sa Menu sa kapag tanghali.

Ang CR naming (naka-tiles na ngayon) Mapanghi sa sobrang baho eh na-naisin mo na lang masuka kesa maglabas ng dumi. Pero minsan, hindi naman siya mabaho.Magluluha lang naman ang iyong mata at magtatampo sa iyo ang ilong mo sa sobrang tapang ng chlorine na inilalagay kapag di na kaya ng sabon ang baho nito.

Ang Library na Dual-Purpose din Pwedeng Tambayan at Pwedeng tambayan XDD

Ang mga nagchi-chismisang mga nanay na laging merong seminar sa loob ng canteen meron ata silang negosyo business partner silang lahat kaya laging maingay at ang nakakairitang tawa ni Ate Nieves kapag nagjo-joke si Kuya Buboy.

Pero siyempre mami-miss ko din ang mga kaklase kong Inborn na ata ang mga TOPAK sa ulo.
Hindi ko makakalimutan ang mga kaklase kong magnanakaw ng ballpen at panyo. Mga kaklase kong ginagawang GAMEBOY ang cellphone kong pangkaskas ng yelo na pwede ring pang-kalso sa umuugang lamesa.

Ang nakakburyong na Halakhak ni Krissia, ang pambabara ni Kim, ang improving na si Louie ang mga sigaw na di ko pa rin alam kung bakit kailangang sumigaw ni Job para basagin ang katahimikan. Ang Lovestory ni Ken at ni MJ, Ang pambuburaot ni Majho at Honeylyn.Ang Paglalampungan ni Junel at ni Elmido kapag nagmamahalan sila at yung iba ko pang retarded na kaklase.

---------
Sir Julius: Ken! Ikaw? Saan mo gusto tumira?
Ken: Sa mapula-pula, maraming ugat-ugat…
Sir.Julius: Saan yun ?
Ken: Sa puso ni MJ :”>
 ---------

At siguro kukulangin nang page ang Facebook kapag pinagpatuloy ko to pero bahala na si WonderMan (Ang paboritong superhero ni Special Someone Ayyyyyieeeee).

Mami-miss ko din siyempre ang mga guro ko simulan na natin kay Maam Meanne na nagturo sa amin ng Math at Physics na di ko pa rin lubos maisip kung bakit naming kailangang matuto nang ganun, Hindi naman ako magso-solve kapag nakakita ako ng anino ng poste o kaya ng nakaharang baka sa daan.

Ang mga walang umay na Stag Jokes ni Sir. Rico na sa sobrang corny eh matatawa ka. Tsaka, may dalwang dahilan kung bakit ka matatawa; 1) Matatawa ka dahil sa sobrang corny nito eh nakakatawa na talaga. 2)Ang pambabara naming sa kaniya.

Si Maam Ella, ang may pakana ng Cosmetology ang pagme-makeup ng lalaki sa mga babae at ang paglalapastangan sa mga kuko naming mga lalaki kagagawan naman ng mga babae.

Si Maam Arvie na nagturo sa akin kung paano naglandian si Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa terrace HAHAHAHAHAHAHAHA !!! at ang pagpapakilala niya pala sa akin kay Padre Damaso

Si Maam Chona na nagturo sa akin kung paano magalit nang hindi nagagalit.

Si Sir. Ryan o mas kilala sa tawag na “Vladimir” dahil pangarap niya daw yung pangalan nay un. Ang walang umay na Presidente de tagay sa inuman, Prinsipe ng “Cheemong Pickup Lines” at animal ng Photoshop. TIWALA LANG DRE !!

Pero siyempre sa adviser kong daig pa ang Bagyo, Buhawi, Ondoy sa kahanginan yun ay walang iba kundi si Sir. Julius. Ang teacher na nagparecite sa akin ng Poem, ang walang sawang pagkabisado ng General Theme at Schematic at General Framework. Ang Teacher na walang sawang nangre-reject ng mga Reaction Paper naming at Literary Criticism papers naming at ang kaniyang kayaman dahil mayaman siya. Ang Teacher na naglalaro ng Plant VS Zombies kapag vacant niya. Pero hindi lang puro ganiyan, marami ako sa kanyang napulot na aral na maari kong magamit sa pagtupad ng aking mga pangarap. Pero Mayabang talaga yan sobra, pero maraming salamat sir sa mga gabay at payo na ginawa ko ng pamantayan at itinaga sa isip ko !

-----------
Sir. Julius: *may hawak na lapel*
Paul: Sir ! Kanino yan ??
Sir. Julius: Akin to siyempre! Sino lang ba ang mayaman dito? Di ba ako lang ? kaya wag ka na magtaka.
-----------
Maam Meanne: Anung nangyari sa cow? Na-hit ba siya ng jeep? Anung nangyari sa kaniya?
Anonymous: Maam! Naging TAPA maam!
-----------
Ken: Mj, malapit na pasko ah exchange gift tayo. Iyo ako, akin ka :”>
MJ : *blush*
----------
Job: Knock Knock!
Kim: Who’s there?
Job: Janna!
Kim: Janna who?
Job: *ngingiti na parang baliw biglang ituturo si janna* (sabaysigaw)
Sa lahat ng lahat ng aking mga guro, maraming salamat sa inyo sa walang sawang pagtuturo at pag-gabay sa aming mga estudyante patungo sa tamang landas n gaming buhay. Saludo ako sa inyo! MARAMING-MARAMING SALAMAT!

At para sa mga kaklase ko, Leche kayo.

Leche kayo dahil, ginawa niyong masaya ang mga boring na araw natin sa loob ng Oven-toaster, ang pagsira ng buhay ko, sa paglo-lobat nang cellphone ko na pangkalso na lamesa, sa walang umay na pambabara kapag nagbibigay ako ng corny na joke at walang umay na pambuburaot kapag lunch at recess. Atska nga pala, napatunayan ko dahil sa inyo na

“HINDI NAMAN NATIN KAILANGAN NG MARAMING ACTIVITIES PARA GAWING MEMORABLE ANG FOURTH YEAR NATIN EH, NASA SA ATIN NA YUN KUNG PAANO NATIN GAGAWING MASAYA ANG MGA BAWAT ARAW NATIN SA ESKWELA”

Kaya sa mga kaklase ko, maraming salamat at LECHE TALAGA KAYO.


…….
(Biglang nagcheck si Sir Julius)

PAUL ! I-REVISED MO TO ANG DAMING TYPOGRAPHICAL ERROR! AT ASAN ANG FRAMEWORK MO AT CONCLUSION! PATI GENERAL THEME WALA! WALA TO!

REJECT !!
 

Mga sumusunod sa ninjang tulad ko.

Tungkol sa Desperadong Ninja

Aking larawan
Ako si Paul, pwede mo akong tawaging Baboy, Balyena, Hippopotammus pero wag ka lang papahuli sa akin. Mahilig ako magsulat ng mga walang kwentang bagay tulad ng mga nakalagay dito. Wag ka na lang magrekalamo sa mga walang kwentang reklamo. Magulo din ako kausap. Sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero ayaw akong ikuwento sayo baka maguluhan ka. Huh?
Pinapagana ng Blogger.